Chapter 2: Her

96 10 8
                                    

Krista's POV


It's been three weeks since Blade and I became friends. I'm a little worried about him, since last week binubully na siya ni Ian at ng grupo nito. Hindi man lang siya nagsusumbong sa parents niya at kahit sa mga teachers namin.


Ayaw niyang sinasabi ang mga problema niya sa ibang tao. Nag-aalala ako kasi nung isang araw, nakita nalang namin siyang walang malay sa comfort room ng boys na duguan. He was rushed to the hospital that day but Simon told us to keep it a secret because that's what Blade wants.


"Krista, can you join us here on Earth? Lutang ka masyado ehh." Nakangiting saad sa akin ni Blade.


"Sorry, I just thought of something." Sagot ko naman sa kanya.


"Wala kang naintindihan sa pinag-uusapan natin kanina pa?" Tanong ni Simon.


"I doubt it if she even pays attention to us since this morning." Umiiling na turan ni Jacob.


"Sorry guys. I was just kinda worried about Blade." Pag-amin ko sa nararamdaman ko.


"Is it about what happened the other day?" Tanong ni Jacob.


"Yes, we should tell this to the Dean, Blade." Nag-aalala kong sambit sa kanya.


"We've already talked about this Krista. Let me deal with my problems alone. Ayokong nagsusumbong sa mga tao dahil lang may pinagdadaanan ako." Blankong ekspresyong sagot niya sa akin.


"What if something happens to you? Are you just gonna let us watch you die?!" Hindi ko na napigilan ang sarili kong mapasigaw.


"I won't let that happen. I told you, I can handle Ian and his group. Leave it to me, okay?" Pagkukumbinsi niya sa akin habang nakahawak sa balikat ko.


I don't understand why he's so stubborn about this. I don't know what I will do if we lose him. I can't imagine losing him.


"Krista, let's just trust Blade okay? We're all worried about him, calm down okay?" Singit ni Simon sa pagtititigan namin ni Blade.


"Okay, I'm sorry if I shouted." Nakayuko kong turan.


"It's okay, I appreciate your concern, Krista." Nakangiting sabi ni Blade.


Habang kumakain kami sa cafeteria, bigla na namang lumapit ang grupo nila Ian sa amin.


"Hey there Blade. Mukhang may kulang sa uniform mo ahh?" Nakangising sabi ni Ian sa amin.


"Parang kulang nito." Dagdag ni Ian at ibinuhos niya ang kinakain ni Blade sa ulo nito.


Lahat ng tao nagulat sa ginawa niya, mainit ang pagkain na ibinuhos niya kay Blade! Inuubos talaga ng taong ito ang pasensya ko eh. Tatayo na sana ako para sugurin si Ian ng pigilan ako ni Simon. Tinignan ko siya pero inilingan lang niya ako.

The Atrocious GangsterWhere stories live. Discover now