Chapter 33: Sunsets And Onsets

97 2 1
                                    

Cree's POV

Kasalukuyan akong nagreready dahil malapit na magsimula ang graduation ceremony namin. Yep! You read it right, akalain mo nga namang gagraduate na kami ngayon?

"Son! Bumaba ka na diyan at baka malate tayo!" Sigaw ni Dad sa baba.

"I'm coming!" Sigaw ko din pabalik.

Tinignan ko ulit ang sarili ko sa salamin. Suot ko na ang toga ko at napakagwapo ko talaga. Maraming babae ang malulungkot sa school dahil mababawasan ang gwapong makikita nila sa MIS.

"Go get them Cree." Nakangiting bulong ko habang nakatingin sa salamin.

Bumaba na ako sa sala at naabutan ko sila Mom and Dad na naghihintay na sa akin sa may pinto. Napakaganda ni Mom sa suot nitong mala men in black ang dating hahaha. Si Dad naman nakasuot ng uniform nito pang army. Kagalang-galang ang dating niya at super intimidating.

"Sorry natagalan Mom, where's Brea?" Tanong ko.

"Nasa sasakyan na. Tara na at baka malate ka na." Tugon ni Dad.

Lumabas na kami at dumiretso na sa sasakyan. Pagkapasok ko ay sinimangutan ko agad si Brea.

"Bakit hindi ka naghintay sa akin sa loob? Nakakatampo ka na." Nakasimangot na turan ko.

Alam kong hindi na ito baby pero gusto kong binibaby ang kapatid kong si Brea. Nakakatuwa kasi ito kapag naiirita, pero despite that she is still and always will be our princess.

"Ang tagal mo kasi. Nandun na daw sila Fie. Kapag nalate tayo at hindi ko siya naabutang nagmartsa sasapukin kita kuya." Matarat na turan nito.

"So mas importante pa sa iyo si Xzander ganun? Grabe ka naman sa akin, Brea. Hindi mo na ba love si kuya?" Nakapout na sambit ko.

Tinaasan lang ako nito ng kilay at inirapan habang nakacross arms na nakatingin sa akin.

"Syempre importante siya sa akin since he's my boyfriend. Wag ka ngang magpout kuya, kaya ka nasasapak ni ate Zhee dahil nakakairita ka eh." Mataray na bulalas nito.

Magrereklamo pa sana ako ulit pero pinatahimik na kami nila Mom and Dad. Pinaandar na nila ang sasakyan at nagmadali na kaming pumunta sa MIS. Habang nasa biyahe kami ay hindi ko mapigilang maalala ang mga memories namin sa school. Yung mga pinagdaanan naming lahat na hindi namin inakalang malalagpasan namin.

Pagkadating namin sa MIS ay bumaba na kami kaagad upang pumunta na sa auditorium. Habang naglalakad kami ay nadaanan namin ang building kung nasaan ang rooms namin, pati ang likod ng gym kung saan unang naglaban si Blade at Zaylee. Dun din namin unang nakilala si Blade.

Napangiti ako habang inaalala ko ang lahat ng memories namin dito sa school. Pagkatapos ng graduation namin ngayon, hindi na kami masyadong makakabalik dito sa MIS. Hindi ko namalayang nandito na pala kami sa auditorium sa lalim ng iniisip ko.

"Son, naririnig mo ba kami? Sige na at pumunta ka na sa position mo dahil magsisimula na kayong magmartsa." Sambit ni Dad.

"Opo, Dad." Tugon ko.

Kiniss ko sila sa pisngi at tumakbo na sa spot kung saan ako tatayo sa pila. Nakita ko sa di kalayuan sila Hermione, Reign at Brix. Kinawayan ko sila na ginantihan din naman nila.

Inilibot ko ang paningin ko para hanapin si Zhee. Nasaan na kaya ang babaeng yun? Nandito na kaya siya sa school? Nahinto ako sa paghahanap ng makita ko siyang nakakunot ang kilay habang nakapamulsa at nakatingin lang sa harap.

"Hey there, beautiful! Why the long face?!" Sigaw ko na ikinalingon niya.

Natawa ako ng itinaas lang nito ang middle finger niya habang nakatingin sa akin. Napakaganda niya lalo sa suot niyang pinkish dress sa ilalim ng toga nito. Nakamake up din ito at medyo curly ang buhok niya. Her beauty is beyond words.

The Atrocious GangsterWhere stories live. Discover now