Chapter 25: Bitter And Sweet

26 3 1
                                    

Reign's POV

It's been two months since umalis si Zaylee. Since then, napakalaki ng nagbago kay Blade. Hindi na ito makausap kagaya ng dati. Napapadalas na din ang pag-inom nito ng alcoholic drinks sa bar.

Last time na uminom ito sa bar ay nakipag-away pa ito sa ibang mga tao dun dahil sa inalalayan lang nila si Blade dahil natumba ito. Dahil dito ay mas binabantayan na namin ang mga kinikilos ni Blade. Naiintindihan ko na nasasaktan siya sa pag-alis ni Zaylee pero hindi ito rason para sirain niya ang buhay niya.

Dagdag pa ang nangyare nung nakaraan ng ipatawag kami ng UHG dahil nakipag-alliance daw kami sa kalaban nila. Mabuti nalang talaga at nagawan namin ng paraan na hindi manghihimasok ang The Realms na may kinalaman sa UHG.

Pero simula nun ay mas binabantayan na ng UHG ang mga kilos namin. Masyado kasing duwag sina Void at isinumbong pa kami sa UHG. Mukhang unti-unti na ding napupuno si Ice sa mga pinagagawa ng UHG sa gang namin.

"Persephone, anong balita sa pinagawa ko?" Seryoso at walang emosyong tanong ni Ice.

"May nakita kaming gang sa Quezon City, they're on the 16th place under UHG." Diretsong tugon ko.

"Prepare our men. Susugod tayo sa kanila." Sambit nito at pumasok na sa office niya.

Sinubukan naming pumunta sa bahay nila IP pero ang sabi ng mga katulong nila ay kasabay daw na umalis ni IP sina Senor Storm at Senora Athena. Simula din nung umalis si IP ay mas napapadalas na ang pagsugod namin sa ibang gangs. We are currently at 4th place sa rankings sa UHG. Pumunta ako sa rooftop ng HQ para makapagpahangin matapos kong sabihan ang mga members namin na magready.

Zaylee, nasaan ka ba? Kailan ka babalik dito? Ilang beses ko ng naririnig na umiiyak si Blade sa gabi. He loves you so much kaya bumalik ka na.

"Persephone, anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Ares.

Paglingon ko, nakita ko si Ares at Sniper. Lumapit sila at tumabi sa akin.

"Nagpapahangin lang ako. I just want some time to think." Tugon ko.

"Kami din, masyado kasing dark ang aura dun sa baba eh." Nakasimangot na sambit ni Sniper.

"Nagreready na ba ang mga members natin?" Tanong ko.

"Yeah, marami sa mga members natin ang excited na sa pagsugod na gagawin natin, but not us..." Tugon ni Ares.

Tahimik lang kami habang nakatingin sa scenery dito sa rooftop ng HQ namin.

"I miss Zaylee..." Malungkot na turan ni Sniper.

Sinabi lang niya kung ano ang nararamdaman namin ngayon. We all miss her, we want to see her already pero hindi namin siya mahanap. Kahit kailan hindi talaga madaling hanapin ang taong ayaw magpakita...

"Kamusta nga pala ang paghahanap sa kanya, Sniper?" Tanong ko.

"Still got nothing." Seryosong saad nito.

"Do you think she really mean what she texted, Ice?" Tanong ni Ares.

"We all know she doesn't mean that. The real reason why she did it is still a mystery." Turan ko.

"Sa tingin niyo naniniwala si Ice?" Tanong ni Sniper.

"I honestly don't know. Hindi ko mabasa kung ano ang tumatakbo sa isip ni Ice. Lalo na nung umalis si IP." Sagot ko.

"But honestly, I became mad at her the first time I found out. I mean, bakit niya mas piniling saktan si Ice? That's just bullshit." Sambit ni Ares.

The Atrocious GangsterWhere stories live. Discover now