Chapter 13: Romantic Entanglement

58 4 2
                                    

Blade's POV

It's been two weeks simula nung nagconfess sa akin si Commander. Napakalaki ng pagbabago ng pakikitungo nito sa akin. Kagaya kahapon, nakikipagusap lang ako kay Krista ng bigla nalang akong hinila nito at dinala sa walang tao at hinalikan. She's making it really awkward for me.

Nandito kami ngayon sa cafeteria kasama ko sila Jacob, Simon at Krista. Nagkikwentuhan lang kami tungkol sa nilesson ng prof namin ng biglang ngumisi sa akin sa Simon. Tinignan ko ito ng nawiweirduhan.

"Bakit Simon? Anong nginingisi-ngisi mo diyan?" Tanong ko.

"Wala naman, bakit parang nagiging close na kayo ni General, Blade?" Nakangising sambit nito.

"Ano bang pinagsasabi mo? Hindi kami close ni General." Seryosong sagot ko.

"Pwede ba Simon tumigil ka sa mga tinatanong mo? Nagrereview tayo diba?" Iritang usal ni Krista.

"Nagseselos ka ba Krista? HAHAHA" Tumatawang sambit nito.

"Hindi ako nagseselos. Naiinis ako dahil puro bunganga mo naririnig ko kaya hindi ako makapagfocus sa nirereview ko!" Singhal nito.

"Oo na hindi na, kumalma ka na Krista." Sumusukong sambit nito.

"Nga pala Blade, naiintindihan mo ba ang part na ito? Hindi ko kasi magets." Tanong ni Jacob.

"Oo, madali lang yan Jacob. Tignan mo, isasubstitute mo yung given sa angle A, B, at C. Ang hinahanap dito ay ang Resultant meaning kailangan mong gamitin ang formula na ito at isolve para makuha mo ang Resultant." Mahabang sagot ko.

"Ay okay, tapos yun na ang final answer sa problem na ito?" Tanong niya.

"Oo, diba madali lang once naintindihan mo ang problem." Nakangiting sambit ko.

"Thank you Blade." Pasasalamat nito.

"Blade, may gagawin ka ba mamaya? Pwede ba tayong mag group study later?" Tanong ni Krista.

"Uhmm, hindi ko sure kung may gagawin ako ehh." Sambit ko.

"Ay ganun ba? Sayang naman, need kasi namin ng tulong mo ehh." Sambit ni Simon.

"Oo nga Blade." Dagdag ni Jacob.

"Okay sige, anong oras ba ang group study natin? Tsaka kaninong bahay?" Tanong ko.

"Sa inyong bahay nalang Blade." Nakangiting sambit ni Simon.

"Bakit sa amin?" Tanong ko.

"Kasi naman mukhang masarap yung mga luto ng Mommy mo ehh." Nakangising sambit ni Jacob.

"Mga baliw. Okay sige sa bahay nalang namin, pumunta kayo dun mga 7pm okay?" Sambit ko.

"Okay sige, we'll be there." Saad ni Krista.

"Tara na, malapit ng magstart ang next class natin guys." Turan ni Simon.

Dumiretso na kami sa classroom at nakinig na sa itinuro ng prof namin. Nung matapos na ang klase ay sabay-sabay kaming lumabas ng classroom at naglakad na papunta sa gate.

"Blade, pwede ba akong magtanong?" Tanong ni Krista.

"Ano yun Krista?" Sambit ko.

"Uhmm, diba sinabi mo na hahayaan mo akong iparamdam sa iyo ang nararamdaman ko. Ganun pa din ba yun? Wala bang nagbago sa desisyon mo?" Tanong nito.

The Atrocious GangsterWhere stories live. Discover now