Chapter 22: Calm Before The Storm

65 3 1
                                    

Void's POV

Kasalukuyan akong naghihintay sa taong yun dahil ngayon ito nakatakdang magreport sa akin ng nalaman niya.

"Leader, nandito na po siya." Sambit ni Bullet.

"It's about time. Papasukin mo na siya." Utos ko.

Pumasok na ang taong kanina ko pa hinihintay. Ngayon malalaman ko na din kung ano ang bagong natuklasan nito.

"Anong informations pa ang nalaman mo?" Tanong ko.

"Ilang linggo na siyang hindi nagpapakita masyado sa headquarters. Nagkaroon ng bagong trainings ang gang." Diretsong tugon nito.

"So, you mean to tell me na wala kang ibang nalaman?" Tanong ko.

"Hindi madaling kumuha ng information sa kanila ng hindi nahahalata." Reklamo nito.

"Wala akong pakialam. Just fucking do it. I need more informations about him." Sigaw ko.

"I'll do it. Just give me some time. Mahirap ng mahuli." Tugon nito.

"Gawin mo kaagad. Wag mong subukang pagtaksilan din ako kung ayaw mong mamatay ng maaga." Nagbabantang sambit ko.

"I'm not going to betray you. I'm also not serving you. Ginagawa ko ito para sa gang namin at hindi para sa iyo." Diretsong tugon nito.

Seryoso ko lang siyang tinignan. Siguraduhin lang niya dahil hindi ko mapapalampas kapag pinagloloko niya lang ako. If ever this person do betray me, I'm not gonna be surprise. Why would I expect more from a traitor?

"Report to me as soon as you found out something, maliwanag ba?" Seryosong utos ko.

Tumango ito at lumabas na ng office ko. Pagkalabas nito ay saktong pasok naman ni Bullet at Venom.

"Leader, bakit mo ba pinagkakatiwalaan ang taong yun? Nagawa nga niyang pagtraydoran ang mga kaibigan niya, ikaw pa kaya?" Turan ni Bullet.

"Hindi ko siya pinagkakatiwalaan. Nagkataon lang na may silbi pa siya sa akin kaya pinagtitiyagaan ko siya. When that person loses it's usefulness, I'll dispose of that person myself." Diretsong turan ko.

"Hindi naman natin siya kailangan leader. Bakit ba kailangan natin ng spy against Black Skull Syndicate?" Naguguluhang tanong ni Venom.

"Kailangan natin siya. Hindi ka pa din ba nadadala kahit dalawang member na sa kanila ang nakatalo sa iyo?" Sambit ko.

"Hahahaha yan kasi, mabuti pang manahimik ka nalang Venom. Hayaan nalang natin si Leader sa naiisip niyang makakabuti para sa gang natin." Nakangising saad ni Bullet.

"Shut up, Bullet. Hindi lang yun ang buong lakas ko. Nagkataon lang na masama ang pakiramdam ko nun." Turan ni Venom.

"Talaga lang? Hindi ka ba talaga aamin na hindi mo kaya si Ice Princess at ngayon pati yung lalakeng yun?" Tumatawang turan ni Bullet.

"Gusto mo ba akong subukan?" Hamon ni Venom.

"Both of you, shut the fuck up." Inis na bulalas ko.

Yumuko silang dalawa at nanahimik. Napatingin kami sa pintuan ng biglang pumasok ang aking tagapayo na si Oracle.

"Anong kailangan mo, Oracle?" Tanong ko.

"May masama po akong balita, leader." Sambit nito.

"Ano yun?" Tanong ko.

"May masama po akong kutob kung ipagpapatuloy pa natin ang paglaban sa BSS." Sambit nito.

The Atrocious GangsterWhere stories live. Discover now