Chapter 12: Pink Lipstick

62 5 6
                                    

Jacob's POV


Nandito kami ngayon sa mall nila Krista, Blade at Simon. Sabado ngayon kaya napagdesisyunan naming gagala kaming lahat at mageenjoy dahil nagsisimula ng maging hectic ang schedule namin sa school. Kasalukuyan kaming kumakain sa isang fastfood chain habang pinag-uusapan kung anong gagawin namin ngayon.


"Sine tayo, gusto niyo?" Tanong ni Simon.


"Wala namang magandang showing ngayon eh." Tugon ko.


"Arcade kaya tayo?" Excited na sambit ni Krista habang nakangiti.


"Gusto mo bang mag arcade Krista?" Tanong ni Blade.


"Oo, sige na arcade tayo please?" Nakapout na sambit nito.


Hindi ko alam kung kailan ito nagstart pero I am in love with Krista. Hindi ko alam na habang tumatagal, hindi nalang pala bilang kaibigan ang tingin ko sa kanya.


"Okay sige, tara sa arcade tayo ngayon." Nakangiting sambit ni Blade.


"Yehey!" Tumatalong sambit nito.


Tuluyan ng nawala ang ngiti ko ng makitang nakakapit si Krista sa braso ni Blade. Mahal ko si Krista pero mahal niya si Blade. Ano nga ba namang laban ko sa isang Blade Ashford?


"Hey, you okay?" Tanong ni Simon.


"Yeah. Okay lang ako, bakit mo pala natanong?" Tanong ko pabalik dito.


"Alam kong nasasaktan ka sa nakikitang pagkakamabutihan ni Blade at Krista, diba?" Saad nito.


Paano niya nalaman? Wala naman akong pinagsabihan ng nararamdaman ko ah? May lahi bang manghuhula si Simon? Or obvious lang talaga ako? Haaayyy.


"Huh? Ano bang sinasabi mo? Hahaha bakit naman ako masasaktan?" Pagkukunwari kong sambit.


"Alam kong may nararamdaman ka para kay Krista. Kaya umamin ka na kasi hindi naman nila malalaman eh. I just want to make sure na okay ka." Seryosong sambit nito.


Hindi ko alam pero bigla kong naramdaman ang sobrang lungkot pagkatapos sabihin ni Simon ang mga salitang yun. Ngayon lang may nakahalata sa nararamdaman ko eh, isa talaga siyang tunay na kaibigan.


"Paano mo nalaman at kailan?" Nakayukong sambit ko.


"Matagal na. Nung time na naglalaro sila Blade at Krista sa cafeteria. Nakatitig ka sa kanila ng may lungkot sa mga mata mo." Saad nito.


"Ahh, I was too obvious." Natatawang saad ko.


"No. Hindi ka obvious, observant lang ako. Kailan mo narealize na may nararamdaman ka para kay Krista?" Tanong nito.

The Atrocious GangsterWhere stories live. Discover now