Chapter 6: Aftermath

51 8 6
                                    

Simon's POV

Ilang araw na din naming hindi makausap si Blade. Hindi niya sinasagot ang mga tanong namin kapag may kinalaman ito sa pag-absent niya ng sampung araw. Kasalukuyan kaming nakaupo ngayon sa cafeteria at kumakain.

"Blade, hindi mo ba uubusin yang burger na binili mo?" Tanong ni Krista.

Hindi man lang niya sinagot ang tanong ni Krista, bigla nalang itong tumayo at itinapon ang burger sa basurahan. Paalis na dapat siya ng mabangga siya ni Ian.

"Tumingin ka nga sa dinadaanan mo, Blade!" Sigaw ni Ian.

Sinuntok lang siya ni Blade bigla na siyang ikinagulat ng mga nandito sa cafeteria.

"Out of my way." Malamig na sambit ni Blade.

Umalis na ito sa cafeteria pero nanatiling tahimik ang buong paligid sa nangyare at sa sinabi ni Blade. Malaki na ang ipinagbago nito sa Blade na nakilala namin.

"Simon, hindi ba talaga tayo kikilos at aalamin ang totoong nangyare kay Blade?" Tanong ni Jacob.

"This is so not like him Simon, we need to help him." Sambit ni Krista.

"Okay, let's find out what's happening to our good friend. Krista, what's the room number of Blade's sister?" Tanong ko.

"Room 611." Sambit niya sa akin.

"Let's go there. We'll ask her kung anong nangyare at nagbago si Blade." Sabi ko sa kanilang dalawa.

Dumiretso kami sa 6th floor para makausap ang nakababatang kapatid ni Blade. We need answers, we need to understand him so we'll be able to help him.

---

Krista's POV

Pagkadating namin sa 6th floor, kinatok ko kaagad ang room ng kapatid ni Blade. Binuksan ito ng isang babae.

"Ano pong kailangan niyo?" Tanong nito sa akin.

"Nandiyan ba si Zane?" Tanong ko.

"Zane! May naghahanap sa iyo." Sigaw ng babae.

Lumabas ang kapatid ni Blade, magandang babae din ito. Nasa genes na ata nila ang magaganda at gwapo ehh.

"Who are you?" Tanong nito sa amin.

"Kaibigan kami ng kuya mo. Pwede ba kaming magtanong?" Sabi ni Simon.

"I'm not in the mood to answer your questions." Diretsong sagot nito.

Geez, magkaparehas din silang dalawa ng ugali, parehas sila super. Kailangan naming malaman ang nangyare.

"Zane, sige na. Ano bang nangyare sa kuya mo? Bakit siya nagbago bigla? Ano bang nangyare 10 days ago?" Tanong ko.

Biglang nagdilim ang mukha nito. Mukhang hindi niya nagustuhan ang itinanong ko.

"Why are you asking me? Leave me alone. I don't know you so don't show your face in front of me again. If you wanna know, ask him personally. Don't bother other people if you just wanna gossip about someone else's private life." Diretsong sambit nito at pumasok na sa loob at sinara ang pinto.

"Well that was rude." Sambit ni Jacob.

"She's right though. We were the ones who made a mistake." Seryosong turan ni Simon.

The Atrocious GangsterWhere stories live. Discover now