Chapter 8: Leniency

59 9 8
                                    

Krista's POV


It's been 4 days simula ng hindi namin kinakausap si Blade. I must admit namimiss ko na siya at yung mga panahong okay pa kaming lahat. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit nagbago siya ng biglaan.


Pagkadating ko sa room, nagulat ako ng makita si Blade na nakaupo at nakatingin sa labas ng bintana. Lumingon ito sa akin pero hindi ko ito pinansin at umupo nalang sa upuan ko. Hindi ko siya kayang tignan dahil pakiramdam ko, ibang Blade na ang kasama ko ngayon.


"Krista, can you call Simon and Jacob? I need to talk to the three of you." Saad nito sa akin.


"Bakit? Wala na naman tayong dapat pag-usapan pa. You made it clear to us four days ago." Sambit ko ng hindi siya tinitignan.


"Just please do it. I just wanna talk, please Krista." Sambit nito.


Hindi ko napigilang mapatingin sa kanya, hindi ko alam pero I felt longingness when I saw his face. I still love him despite of him being a jerk.


"Okay fine." Mataray na sambit ko.


Tinext ko kaagad sina Simon at Jacob na pumunta as soon as possible dito sa school dahil gustong makipagusap ni Blade. I urge them that we should listen to what Blade wants to say.


"They're on their way here." Sambit ko at naupo ulit sa upuan ko.


30 minutes have passed but still no sign of Simon and Jacob. What's taking them so long? I glanced at Blade and he's still looking outside without moving an inch in his seat. Nagsimula ng dumating ang iba naming mga kaklase.


Pumasok sa room sina Jacob at Simon at lumapit sa amin.


"Anong gusto mong pag-usapan Blade?" Walang interes na mababakas sa tono ng boses ni Simon ng banggitin yun.


"I just wanna say--" Naputol ang sasabihin niya ng dumating na ang prof namin.


Wrong timing naman ang dating nito ni Sir ehh.


"Pagkatapos ng klase magusap tayo sa rooftop." Sambit ni Blade ng hindi kami tinitignan at nakinig na ito sa klase.


Natapos ang klase namin ng hindi kami naguusap na apat. Ang awkward! Hindi ko kaya ng ganito. Tumayo na si Blade at lumabas ng room. Nagligpit na din kami ng gamit at pumunta na sa rooftop.


"Ano sa tingin niyo gustong sabihin ni Blade sa atin?" Tanong ni Jacob.


"Ewan ko at wala akong pakialam, pakikinggan ko lang bilang respeto sa gusto ni Krista." Seryosong sambit ni Simon.


"May idea ka ba Krista?" Tanong ni Jacob sa akin.


"Wala nga ehh, sinabi niya lang na itext or tawagan ko daw kayo kasi gusto niya tayong makausap tatlo." Sagot ko sa tanong ni Jacob.

The Atrocious GangsterWhere stories live. Discover now