Chapter 34: Surrender Of Sovereignty

24 2 1
                                    

Zaylee's POV

It's been 3 days simula nung may mangyare sa amin ni baby. Simula nung mangyare yun masyado na ata akong nahiya ng sobra kaya hindi ako masyadong makatingin sa kanya ng diretso.

"IP, anong nginingiti mo diyan? Nababaliw ka na ba?" Tanong ni Sniper.

"Wala yun, anong kailangan mo? Bakit ka napapunta dito sa rooftop?" Tugon ko.

"May gusto lang sana akong itanong kaya lang natatakot akong itanong kay Commander." Diretsong turan nito.

"Ano ba yun?" Tanong ko.

"Ano ng plano niya ngayon? Diba we wage a war against UHG? Paano natin sila tatalunin? Wala ba siyang nababanggit sa iyo?" Tanong nito.

"Wala siyang nabanggit sa akin tungkol diyan. Hayaan mo sasabihan ko siya para malaman natin ang mangyayare." Turan ko habang nakangiti.

"Thank you, IP. Medyo nag-aalala lang kasi ako dahil syempre UHG ang kakalabanin natin. Under nila tayo noon kaya medyo kinakabahan ako kasi alam nila lahat about sa atin, samantalang tayo walang idea about sa kanila." Nag-aalalang turan nito.

"Ganun ba? Then find some informations about them. Alam kong may malalaman ka about sa kanila. Investigate the entire UHG and find out what the extent of their knowledge about us." Sambit ko.

"Okay lang ba yun? Tingin mo kaya kong ipull off yun?" Kunot-noong tanong nito.

"Yeah. I know you can do it. We trust you." Nakangiting turan ko.

Nagliwanag naman ang mata nito kaya natawa ako. Nagpaalam na ito sa akin at tumakbo na pababa ng rooftop. Sigurado akong hahanap na siya ng informations about sa UHG. Alam kong ito ang pinakamahirap na labang kahaharapin namin pero alam kong kaya naming manalo.

Nagulat ako ng biglang magring ang cellphone ko. Inilabas ko ito at nakitang si baby ang tumatawag. Dali-daling namula ang pisngi ko ng makita ang pangalan niya. Inayos ko ang sarili ko bago sinagot ang call.

"Hello? Bakit ka napatawag baby?" Tanong ko habang iniiwasang mahalata na kinikilig ako.

"Nasan ka? Nasa bahay ka lang ba ngayon?" Tanong nito.

Hindi ko alam pero may something akong nasense sa tono ng boses nito. There's something wrong, his voice seems troubled.

"Nandito ako sa HQ. Bakit? May problema ba baby?" Nag-aalalang turan ko.

"It's just that, can you do something for me baby?" May inis na sambit nito.

"Of course. Ano yun baby? You're making me worried." Nag-aalalang sambit ko.

"Pwede mo bang sabihan mga members natin na magready and isama mo ang buong upper bracket. Magkita tayo sa park after 20 minutes." Sambit nito.

"Baby, what's going on?" Hindi mapakaling tanong ko.

"Sa park ko na ipapaliwanag lahat. Just please do it baby?" Utos nito.

"Okay, see you in a little bit. I'll do it." Saad ko.

"Thank you. Sige, I need to go now. Bye for now, I love you." Sambit nito.

"I love you more." Turan ko.

Inend na niya ang call kaya tumayo na ako at bumaba na para sabihan ang mga members namin na magready for whatever it is that's gonna happen. Nagulat ako ng matapos kong sabihan ang mga members ay lumapit sa akin si Ares at Persephone.

"Anong nangyayare, IP?" Tanong ni Persephone.

"Hindi ko din alam basta pinapaready ni Ice ang mga members natin at kayong upper bracket naman ay pinapasama niya sa akin pagpunta sa park. Dun daw niya sasabihin lahat." Tugon ko.

The Atrocious GangsterWhere stories live. Discover now