Chapter 20: Double-crosser?

38 3 1
                                    

Jacob's POV

Ilang araw ko ng sinusubukang iparamdam kay Krista na gusto ko siya. Sa kasamaang palad, kahit anong gawin ko ay parang wala siyang nahahalata. Kasalukuyan kami ngayong nandito sa classroom, walang klase pero napagdesisyunan naming wag pumunta kung saan at magstay nalang dito sa loob ng room.

"Blade, parang mas lalo ka atang naging tahimik ngayon?" Tanong ni Simon.

"Wala lang ako sa mood, don't worry. I'll be fine later, Simon." Tugon nito.

Hindi ko alam pero parang ibang tao si Blade ngayon, ibang-iba ang dating ng pananahimik niya ngayon kaysa dati.

"Teka lang guys, need ko lang gumamit ng comfort room saglit." Saad ko na nakaagaw ng atensyon nila.

"Sabay na ako, Jacob. Kanina pa din ako naiihi eh." Sambit ni Simon.

"Pwede bang bilhan niyo na din ako ng fries and burger sa cafeteria?" Tanong ni Krista.

"Sure, no problem. Yun lang ba?" Tanong ni Simon.

"Yeah, ikaw Blade? May ipapabili ka din ba sa kanila sa cafeteria?" Tanong ni Krista kay Blade.

"Wala, thank you." Tugon nito.

Lumabas na kami ng room at dumiretso sa comfort room. Habang naglalakad kami ni Simon ay bigla nalang itong nagtanong sa akin.

"Jacob, kamusta na nga pala ang pagpaparamdam mo ng nararamdaman mo kay Krista? Any luck?" Tanong nito sa akin.

"Wala nga eh, hindi niya nahahalata ang mga bagay na ginagawa ko para sa kanya. Hindi ko nga alam kung manhid ba siya dahil sa nararamdaman niya para kay Blade." Tugon ko.

"Mahirap talagang kuhanin ang atensyon ng isang tao lalo na kapag may mahal na itong iba. So, anong plano mo ngayong walang effect kay Krista ang mga ginagawa mo?" Dagdag tanong nito.

"Hindi ko alam, pero hindi ako susuko hanggang sa makita din niya ako as a person. Someone who she can love. Hindi ko siya susukuan dahil yun ang gusto ng puso ko. I'll do everything for her, dude. No matter what it is, I'll do it." Matamlay na sambit ko.

"I'll support you. Wag kang mag-alala kasi sooner or later marerealize din niya na may ibang tao pang nagmamahal sa kanya at ikaw yun." Nakangiting turan nito.

"Thank you, Simon. I really appreciate it dude." Sambit ko.

Nakangisi lang ito sa akin at bigla nalang akong tinulak nito ng malakas kaya napunta ako sa may comfort room ng mga babae. Sa kasamaang palad tumama ang mukha ko sa dibdib ng babaeng kakalabas lang.

"Ano ba?! Manyakis ka!" Sigaw ng babae at sinuntok ako na nakapagpaupo sa akin sa sahig.

"Miss, aksidente lang yun. Pasensya ka na." Sambit ni Simon.

Siraulong babae ito. Grabe ang lakas manapak! Hindi man lang ako binigyan ng chance makapagpaliwanag!

"Aksidente?! At talagang sa dibdib ko pa talaga nagkataong sumubsob ang mukha niya?!!" Sigaw ng babae.

"I'm sorry miss, hindi talaga sadya ang nangyare kaya please wag ka naman sanang mag eskandalo dito. Please lang naman miss, pinagtitinginan na tayo ng mga ibang students dito." Magalang na turan ko.

"Sorry?! Bakit, may magagawa ba yang sorry mo?! May mababago ba? Maaundo ba nun ang pagtama ng mukha mo sa dibdib ko?!!" Naiinis na turan nito.

Kumalma ka lang Jacob, wag mong patulan at babae yan. Intindihin mo nalang at be logical, wag magpadala sa emotions mo.

The Atrocious GangsterWhere stories live. Discover now