Chapter 18: Mystery Box

82 4 1
                                    

Zhee's POV

Papunta ako ngayon sa HQ dahil nakalimutan ko ang rubber shoes ko na need namin sa PE mamaya. Pagkapasok ko nakita ko si IP na palakad lakad sa sala habang may dala dalang box. Kung hindi ako nagkakamali yun yung box na tinitignan niya sa office dati.

"Hey, anong ginagawa mo?" Tanong ko.

"Ares?! What are you doing here??" Gulat na bulalas nito.

"Bakit? Bawal ba akong pumunta dito sa HQ?" Mataray na saad ko.

"Hindi naman, sige sa office nalang muna ako ni baby!" Patakbong sambit nito.

Now, I know something is really going on. I hope she's fine though, hindi ko na nga muna siya pipilitin baka uminit ulo sa akin. Kinuha ko na kaagad ang rubber shoes ko pero natigilan ako ng pagdaan ko sa office ni Ice ay narinig ko si IP na nagsasalita.

"Magkano po kung 3 days po naming rerentahan? May mga vacant po ba na room? Ilan po ang kasyang tao sa room na yun?" Rinig kong sambit nito.

Binuksan ko ang pintuan at nakita ko itong gulat na nakatingin sa akin habang may kausap sa cellphone niya. What the fuck did I just hear?

"Sinong kausap mo Zaylee?? What do you mean by renting a fucking room? Are you and Blade gonna do it already?!!" Tanong ko.

"What the fuck are you saying Zhee?! Of course not! Masyado pa kaming bata para diyan! Pwede bang iwasan mo kadumihan ng utak mo?!" Bulalas nito sa akin.

"Then what do you mean by that?" Tanong ko.

"Para sa anniversary namin yun! Hayop ka! Ang dumi ng utak mong babae ka." Namumulang sambit nito.

"Oh! Okay fine, by the way ano bang plano mo sa anniversary niyo ni Blade?" Sambit ko.

"Nagrent ako ng isang resort sa Palawan para pagistayan natin ng 3 days and 2 nights." Tugon nito.

"Kasama kami?" Nakangiting tanong ko.

"Syempre kasama kayo just to avoid issues and in case something unexpected happen. It's better to come prepared than suffer the consequences." Sambit nito.

So meaning pasasamahin lang niya kami para magbantay sa kanilang dalawa? Badtrip talaga itong si Zaylee. Hayaan na nga atleast kasama kami sa Palawan kasi makakapagrelax pa din naman kami nun.

"Nasabihan mo na ba si Blade about diyan sa plano mo?" Tanong ko.

"Hindi pa nga eh, samahan mo ako puntahan natin siya sa room nila ngayon." Saad nito.

"Sige, tara na para hindi ako malate sa first subject ko." Sambit ko.

Lumabas na kami ng HQ at pumunta na sa school namin. Dumiretso kami sa room nila Blade, hindi pa din ako makapaniwala na malapit ng mag 1 year ang dalawang ito as a couple. Parang kahapon lang nung time na nagseselos pa si Zaylee sa mga babaeng kinakausap ni Blade pero ngayon they're a couple already, love really moves on mysterious ways.

Pagkadating namin sa room ni Blade, nagtinginan lahat ng kaklase niya sa aming dalawa ni Zaylee. Sino ba namang hindi lilingon kung may dalawang dyosa ang pumasok sa classroom nila.

"Excuse me, nandiyan ba si Blade?" Tanong ni Zaylee sa isang babaeng classmate ni Blade.

"W-Wala po dito si Blade, G-General!" Sambit nito.

Natatawa ako sa itsura ng mga kaklase ni Blade dahil mukhang gulat ang mga ito na nandito sa classroom nila ang leader ng SWAT. Bakit kasi hindi nila sinasabi sa mga tao na magjowa silang dalawa? Gusto pa ata nila ng private relationship, tss. Parehas talagang old fashion ang dalawang ito.

The Atrocious GangsterWhere stories live. Discover now