Chapter 35: Black Wolf Or White Wolf

23 2 1
                                    

Reign's POV

Nandito kami sa HQ ngayon nakatambay dahil walang kahit anong need gawin ngayon. To put it simply, this is one of the rarest thing that can happen. Kasalukuyan lang kaming nakatunganga sa sala at nanonood ng netflix.

"Ang boring ng pinapanood natin." Biglang sambit ni Sniper.

"You have a better idea?" Tanong ni Bone Crusher.

"Kasi kung wala kang magandang idea na gawin, just shut your freaking mouth." Saad ni Ares.

"Gala kaya tayo?" Suhestiyon ni Love.

"Saan naman tayo gagala?" Nakataas na kilay na tanong ni Seer.

"Kahit saan basta yung mag-eenjoy tayong lahat." Tugon ni Sniper.

"Ayaw niyo bang nagrerelax?" Nakangising tanong ni IP.

"Seems like ayaw nga nila." Umiiling na turan ko.

"Sige if ayaw niyo ng nagrerelax may iuutos nalang ako." Seryosong turan ni Ice.

Sabay-sabay naman silang nagreklamo ng sabihin ni Ice yun kaya natawa nalang kami ni IP.

"Ice naman eh! Wag na muna!" Reklamo ni Sniper.

"Watch your tone." Seryosong sambit ni IP.

"Chill ka nga lang diyan, IP. Alam mo naman na ganito talaga ako, I'm not disrespecting him or something." Tugon ni Sniper.

"Uhmm, I have a suggestion po." Singit ni Grim Reaper.

"Ano yun?" Tanong ni Hades.

"Maglaro nalang kaya tayo ng basketball? I know a perfect place para dun." Sambit ni Grim Reaper.

"Basketball, you say? Hmm, ano sa tingin niyo guys? Should we?" Nakangising tanong ni Bone Crusher.

"Saan ba tayong court maglalaro, Grim Reaper?" Tanong ni Love.

"May malapit pong court sa bahay namin banda." Tugon nito.

"Sige, let's play basketball." Anunsyo ni Ice.

"Required ba sumama lahat?" Tinatamad na sambit ni Hades.

"Oo, maglalaro nga tayo." Tugon ni Ice.

Nagreklamo si Hades pero tumayo pa din ito. Lumabas kaming lahat at sumakay sa motorbike namin para puntahan ang court na sinasabi ni Grim Reaper.

Pagkadating namin sa court na sinasabi niya ay walang tao masyado sa court. Pumasok kami sa loob dala ang basketball ni Ice. Umupo muna kami sa gilid para pag-usapan sino ang magkakampi.

"How are we gonna team up?" Tanong ni Seer.

"Oo nga. 6 tayong lalake then 4 girls. Kasali ang girls diba?" Sambit ni Grim Reaper.

"Pairing tayo tapos maglalaro ng rock paper scissors then lahat ng winners magkakampi para fair." Turan ni IP.

"Sige, pairing na. Babae ang pairing para fair." Sambit ni Sniper.

Magsisimula na sana kami ng biglang umayaw si Ares. Lahat kami napatingin sa kanya.

"Hoy Zhee, game na wag kang KJ." Saad ni Ice.

"Ayoko maglaro. Wala ako sa mood." Matigas na sambit ni Ares.

"Paano yan? Kulang po tayo ng isa kung aayaw si Lady Ares, Commander." Turan ni Grim Reaper.

The Atrocious GangsterWhere stories live. Discover now