Chapter 32: Shattered Heart

15 2 1
                                    

Hermione's POV

It's been 3 years simula nung mangyare yung aksidente kay Commander. Hanggang ngayon hindi pa din namin matanggap ang pagkawala ni Commander. Inaalala ko si IP dahil siya ang pinaka nahihirapan sa pagkawala ni Ice.

"Seer, nakausap mo na ba si IP?" Tanong ni Sniper.

"Hindi pa, mukhang masyadong masakit pa din sa kanya ang pumunta sa school lalo na at marami silang memories ni Commander dun." Malungkot na saad ko.

"I know pero need niyang pumunta sa practice ng graduation natin. She's the Valedictorian of our batch, after all." Saad ni Sniper.

"Anong ginagawa niyo dito? Bakit hindi pa kayo nagreready para sa graduation practice natin?" Tanong ni Ares.

"Hindi kasi pa nakakausap ni Seer si IP. She's nowhere to be found.." Tugon ni Sniper.

"She'll attend the graduation.. Let's just give her some time.. Lalo na at hanggang ngayon ay hindi pa din tayo nakakaget-over sa pagkawala ni Commander Ice..." Malungkot na turan ni Ares.

"Mabuti nalang talaga at nabubulok na sa Tartarus ngayon yung Simon na yun after ng ginawa niya kanila Sancus at Commander. Nakamit pa din natin ang justice.." Nakasimangot na turan ko.

"Oo, tara na. Need na natin pumunta sa school. Alam niyo pa naman kung nandito yun si Commander magagalit yun dahil nagbabagal na naman tayo.." Malungkot na nakangiting sambit ni Ares.

"Kamusta na kaya siya? Masaya na kaya siya kung nasaan siya ngayon? Siguro hindi na siya nahihirapan ngayon dun..." Naluluhang sambit ko.

"Sigurado akong masaya na siya ngayon.. Pero mas magiging masaya siya kung magiging masaya na din tayo at kalilimutan na natin ang nangyare..." Malungkot na saad ni Sniper.

Napangiti kaming tatlo ng maalala si Commander at ang mga madalas na sinasabi nito.. Miss na miss na namin siya sobra... If we could see him again and spend time with him again, it would really make us happy...

"Tara na nga, pumunta na tayo sa school." Nagpupunas ng luha na sambit ni Ares.

Pinunasan na namin ang mga luha namin at pumunta na kami sa school. Pagkadating namin ay nandun na lahat ng kaklase namin kaya nagsimula na kami sa practice.

Nang matapos ang practice namin ay napagdesisyunan naming mga upper bracket na hanapin si IP at kausapin.

"Where are we gonna find her though?" Tanong ni Persephone.

"Yung mga lugar na may special meaning for her and Ice.." Tugon ni Ares.

"Paano naman natin malalaman ang lahat ng yun? Nagkwento ba siya sa inyo before?" Umiiling na tanong ni Sniper.

"Hindi siya nagkwento... But let's just try.. Our friend needs us.." Turan ko.

"Bakit kasi hindi nalang niya kalimutan si Ice? Wala na siya, hindi na siya babalik." Sambit ni Grim Reaper.

Nairita ako sa narining kong sinabi ni Grim Reaper, pero bago ko pa siya masuntok tumalsik na ito sa lakas ng sipa sa kanya ni Ares.

"Bakit mo ginawa yun, Ares?!" Sigaw na tanong ni Grim Reaper.

"You have no right to say that. Walang makakapalit kay Ice sa buhay naming lahat. Wala kaming pakealam kahit hindi na ito pwedeng bumalik, that doesn't mean that we will forget him!" Sigaw ni Ares.

Lumapit si Persephone at Sniper kay Grim Reaper at nagulat ako ng ipatong ni Sniper ang tuhod niya sa dibdib ni Grim Reaper. Kita ko ang galit sa mga mata nito.

The Atrocious GangsterWhere stories live. Discover now