Chapter 10: Annihilators Gang

60 9 6
                                    

Simon's POV


Nakatambay kami ngayon sa cafeteria dahil wala kaming klase sa dalawang subject kaya naisipan naming dito muna at magkwentuhan. Kasalukuyan akong nakatingin kay Blade at Krista na naguusap, hindi ko alam pero parang may kakaiba sa kanilang dalawa ngayon.


"Bibili muna ako ng burger, anong gusto mo Blade?" Tanong ni Krista.


"Fries." Maiksing sagot nito.


Tumalikod na siya para maglakad, seriously? Hindi niya kami tatanungin kung ano ang gusto namin ni Jacob? No way.


"Wow! Kay Blade ka lang talaga nagtanong Krista?" Nakasimangot na sambit ko.


"Ay sorry hahaha ano bang gusto niyo?" Tumatawang saad nito.


"Pizza akin." Sagot ni Jacob.


"Shawarma akin Krista hehehe." Nakangiting sagot ko.


"Okay sige, balik ako kaagad hehehe." Sambit nito.


Tumalikod ito at tuluyan na ngang naglakad para bumili ng mga gusto namin. Tinignan ko si Blade at nanatiling blanko ang mukha nito habang nakatingin sa cellphone niya. Tinignan ko si Jacob pero naglalaro lang ito sa cellphone niya.


"Blade, pwede ba akong magtanong?" Tanong ko sa kanya.



"Yes, ano yun Simon?" Tugon nito.


"Uhmm, kasi may napapansin ako ehh." Pagdadalawang isip kong sambit.


"Anong napapansin mo?" Nakatinging tanong nito sa akin.


"Sa inyo ni Krista.." Mahina kong sambit.


"What do you mean?" Naguguluhang tanong nito.


"Ano bang meron Simon?" Tanong ni Jacob na binitawan na ang cellphone niya.


"Uhmm kasi may parang iba sa ikinikilos niyong dalawa ni Krista ehh." Napapakamot batok kong tanong.


Tumingin sa akin si Blade ng mga ilang Segundo bago napayuko ng umiiling. Tinignan din ni Jacob si Blade.


"There's nothing going on between us if that's what you want to ask. If you don't believe me then ask her." Nakasandal na tugon ni Blade.


"Ask me what?" Biglang sambit ni Krista.


Nagulat kaming dalawa ni Jacob na napatingin kay Krista na nakatayo na sa likod namin. Napangiti ako ng pilit, geez busted! Nasa likod ko na pala siya ng hindi namin alam. Hindi man lang sinabi ni Blade.

The Atrocious GangsterWhere stories live. Discover now