Chapter 17: Courtesan

74 5 1
                                    

Simon's POV

Kakatapos lang ng klase namin ngayong umaga kaya papunta kami nila Jacob sa cafeteria. Habang naglalakad kaming tatlo bigla nalang nagsalita si Krista.

"Busy pa din ba hanggang ngayon si Blade? It's been months since hindi siya sumasabay sa kahit anong gala natin." Sambit ni Krista.

"Yun nga din ang iniisip ko, ano bang pinagkakaabalahan niya?" Dagdag na saad ni Jacob.

"Hayaan nalang natin siya, ang importante dito ay hindi natin siya iwan at hindi naman siya nagkakaroon ng problema sa grades niya." Seryosong tugon ko.

"Hindi ka man lang ba nag-aalala para kay Blade, Simon?" Tanong ni Krista.

"Nag-aalala ako para sa kanya dahil kaibigan ko din siya pero may tiwala ako sa kanya at alam kong nasa mabuti siyang kalagayan dahil alam niya kung ano ang ginagawa niya." Turan ko.

Tahimik nalang silang dalawa hanggang sa makarating kami sa cafeteria. Pagkatapos naming umorder ng kakainin namin ay naupo na kami sa isang table sa may gitna banda ng cafeteria. Tahimik lang kaming kumakain ng biglang lumapit si Blade sa amin.

"Hey guys! Kamusta kayo? Sorry natagalan ako may dinaanan lang." Nakangiting sambit nito.

"It's okay Blade. Anong gusto mong kainin?" Tanong ko.

"Burger lang at tsaka fries." Sambit nito.

"Edi bumili ka na dun HAHAHA" Tumatawang saad ni Jacob.

"Abnormal hahaha sabi ko nga sige wait lang." Umiiling na sambit nito.

Umalis na ito upang bumili ng pagkain niya, as usual may mga sugat pa din si Blade na mukhang kakagaling lang. Hindi ko tuloy mapigilang mapaisip kung ano ba talagang pinagkakaabalahan niya, nasa maayos kaya siya?

"Yun ba ang okay lang Simon? Puro sugat na naman si Blade." Nag-aalalang sambit ni Krista.

"Anong gusto mong gawin natin? Tingin mo ba sasabihin niya sa atin kung saan niya nakukuha ang mga pasang yun?" Sambit ko at sumubo na ulit.

"Kahit na, we deserve to know the truth dahil nag-aalala tayo sa kanya." Sambit nito.

"Then ask him, Krista." Sambit ni Jacob.

Kita ko sa mga mata ni Jacob ang sakit dahil mahal pa din ni Krista si Blade. Mukhang hindi naman ito napapansin ni Krista, sa sobrang pagmamahal na nararamdaman nito para kay Blade, hindi niya napapansin ang mga nagmamahal sa kanya.

"Okay, I'll ask him." Seryosong sambit ni Krista.

Bumalik na si Blade sa lamesa at nagsimula ng kumain. Tahimik lang kaming apat habang kumakain, hindi ako mapakali sa sobrang katahimikan naming apat. Ang awkward!

"Blade, pwede ba akong magtanong sa iyo? I hope sasabihin mo ang totoo." Panimulang pagtatanong ni Krista.

"Sure! About saan ba yan Krista?" Nakangiting sambit ni Blade.

"Anong pinagkakaabalahan mo this past few months? Bakit hindi ka na sumasama sa mga gala natin at tsaka bakit everytime makikita ka namin may mga pasa ka?" Puno ng pag-aalalang sambit ni Krista.

"Actually curious din ako Blade." Nakayukong sambit ni Jacob.

"Pati ikaw Simon?" Tanong nito.

"Y-Yeah, nag-aalala kami sa iyo pero sinabi ko sa kanilang dalawa na hintayin ka nalang naming magsabi kaysa magtanong." Nahihiyang saad ko.

"I'm fine, masyado lang akong nabusy sa bahay kaya hindi ako nakakasama sa mga gala natin. Regarding sa mga pasa naman alam niyo na clumsy ako kaya ayun hahaha." Tumatawang saad nito.

The Atrocious GangsterWhere stories live. Discover now