Chapter 23: Racketeer

30 2 1
                                    

Jacob's POV

Kasalukuyan kaming nagpapapirma ng clearance ngayon dahil malapit ng mag end ang klase this year. Ilang buwan na din pala ang dumaan simula nung makilala ko ang mga kaibigan ko. Ang dami na din pala naming pinagdaanan.

"May gagawin ba kayo mamaya? Pwede niyo ba akong samahan sa mall? May kailangan lang akong bilhin." Sambit ni Simon.

"Wala naman. Sige sasamahan ka namin." Tugon ko.

"Sige sama din ako dahil matagal na tayong hindi nakakapagbonding." Nakangiting turan ni Blade.

"Ikaw, Krista? Sasama ka ba sa amin?" Tanong ni Simon.

"Sasama ako pero need ko pang dumaan sa Taekwondo Club. Sunduin niyo ako dun, okay lang?" Saad ni Krista.

"Sige, pupuntahan ka nalang namin dun mamaya." Nakangiting sambit ni Simon.

Taekwondo Club? Meaning makikita ko na naman ang babaeng yun? Sana wala siya mamaya dun pagpunta namin nila Simon at Blade. Masisira lang ang araw ko kapag nakita ko ang pagmumukha nun.

Tuloy-tuloy lang kami sa pagpapapirma ng clearance namin sa mga professors namin at sa mga clubs namin. Matapos namin mapapirmahan ang lahat ay bumalik na kami ulit sa classroom namin.

"Blade, pwede bang magtanong?" Tanong ni Esme.

"Ano yun?" Maikling tugon ni Blade.

"Since matagal na naman tayong magkakaklase, pwede ko bang malaman kung anong meron sa inyo ni General?" Tanong nito.

"Bakit mo naman natanong yan?" Singit ni Simon.

"Wala lang.. Curious lang ako kung anong meron sa kanila, Simon." Tugon nito.

"Walang something sa kanila. Wag kayong gumawa ng mga issue okay?" Nakangising sambit ni Simon.

"Talaga? Hindi niya girlfriend si General??" Excited na tanong ni Esme.

"Bakit? May gusto ka ba kay Blade? Hahaha." Tumatawang bulalas ni Simon.

"H-Huh? Hindi kaya! Nagtatanong l-lang ako, Simon!" Namumulang sigaw nito.

"Kung ganun, bakit ka namumula? Hahaha" Dugtong ko.

Lalong namula ang mukha ni Esme dahil sa mga pang-aasar namin ni Simon sa kanya. Sasagot na dapat ito ng biglang may kumatok sa pinto ng classroom namin. Sa pagkakatanda ko, siya yung kasama ni General nung nasa cafeteria kami.

"Nandiyan ba si Blade?" Tanong nito.

Lumingon ang lahat ng kaklase namin kay Blade matapos marinig ang sinabi ng babae. Tumingin lang si Blade dun sa babae habang nakakunot ang noo nito bago tumayo.

"Wag mo akong tignan lang. Lumabas ka dito at hinahanap ka ni General." Sigaw nito.

"Okay fine." Tinatamad na reklamo ni Blade at tumayo na para lumapit sa babae.

Lumabas si Blade kaya natahimik ang buong klase namin dahil naulit na naman. Hinahanap na naman siya ni General. Hindi lang nila alam na couple na ang dalawang yun.

"Ano na naman kayang kailangan ni General sa kanya?" Mataray na sambit ni Krista.

Hindi ko mapigilan ang masaktan matapos makita na nagseselos si Krista kay General dahil girlfriend ito ni Blade. Tinignan ako ni Simon at naiinis nitong tinignan si Krista.

"Hayaan mo na nga sila, Krista. Besides magkarelasyon naman sila kaya walang masama kung magkikita sila." Naiinis na sambit ni Simon.

"Hindi naman sila bagay dalawa. Hindi ako makakapayag na mapunta sa kanya si Blade." Mataray na sambit ni Krista.

The Atrocious GangsterWhere stories live. Discover now