Chapter 29: Operation Lovestruck

38 2 1
                                    

Reign's POV

It's been two weeks since malaman naming may girlfriend na si Blade. Two weeks na ding hindi pinapansin ni Zaylee si Blade. Napaka awkward ng atmosphere everytime nagkikita sila dahil parehas silang hindi nagpapansinan.

"Anak, wala ka bang lakad ngayon?" Tanong ni Mommy.

"Wala po. Bakit po? May kailangan po ba kayo?" Tugon ko.

"Wala naman, magpapasama lang sana ako sa iyo sa school niyo. Titignan ko lang kung pwede kong itransfer dun ang sister mo." Sambit nito.

"Bakit po? May problema po ba sa school ni Rielle?" Pang-uusisa ko.

"Wala naman, naisip lang namin ng daddy mo na dun nalang sa school niyo din siya mag-aral since maganda ang training dun." Tugon nito.

"Sige po, Mom. Magbibihis lang po muna ako." Saad ko.

Umakyat na ako sa kwarto ko upang makapaghanda na. Okay din ito para makapag-isip din ako ng pwedeng gawin para mapagbati sina Zaylee at Blade.

Pagkababa ko sa sala ay naghihintay na sa akin si mommy. Dumiretso na kami sa sasakyan para makapunta na sa MIS. Habang nasa biyahe kami ay naisipan kong magtanong kay mommy.

"Mom, can I ask you a question?" Tanong ko.

"About what?" Tanong din nito.

"May time ba na nag-away kayo ni daddy ng sobra? To the point na nagbreak kayo?" Diretsong tanong ko.

Nagulat ako ng biglang napatawa si Mommy. Lumingon ito sa akin ng hindi makapaniwala.

"Bakit? May problema ba kayo ni Brix?" Tanong ni Mommy.

"No, Mom. Hindi po ito about sa amin. It's about my friend po." Tugon ko.

"Well, yes. Hindi naman mawawala sa relationship ang mag-away, anak. It just all depends on how the couple will handle it." Sagot ni Mommy.

"Pwede ko bang malaman reason why kayo nag-away and nagbreak before ni daddy?" Nagbabakasakali kong tanong.

"He kissed another girl when he was drunk." Tugon ni Mommy.

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Si Daddy? He kissed another girl before kahit sila ni Mommy? Hindi ko maimagine kasi sobrang mahal ni Daddy si Mommy.

"What? Seryoso po ba yan?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Yes. He kissed a random girl. When I found out, I broke up with him." Sambit ni Mommy.

"So paano po kayo nagkabalikan? What happened?" Tanong ko.

"He tried to win me back pero sira na ang trust ko sa daddy mo nun. Sobrang nasaktan kasi ako nung malaman ko yun. He tried to win me back for 2 years bago ako nagtiwala ulit sa kanya." Saad ni Mommy.

"Anong ginawa niya sa loob ng 2 years, Mommy?" Curious na tanong ko.

"Nag-effort siya ng sobra para maramdaman ko ang sincerity niya. Nagsorry siya ng walang tigil sa akin. He even stopped going to the bar since then. He explained everything and respected my feelings. He showed me that he may have committed a mistake before but that won't happen again." Paliwanag ni Mommy.

"So may chance na magkabalikan ang friend ko at boyfriend niya?" Tanong ko.

"That depends on the reason. Ano bang dahilan ng break up nila?" Tanong ni Mommy.

"Well, nakipagbreak ang friend ko thinking that it was the most right decision back then. Nawala siya for 3 years. Walang paramdam sa aming lahat then two weeks ago nalaman naming lahat na may girlfriend na yung guy." Paliwanag ko.

The Atrocious GangsterWhere stories live. Discover now