Chapter 21: The Realms

37 2 1
                                    

Storm's POV

Nandito kami ngayon sa room ni Blade dahil nabalitaan namin ang nangyare sa kanya. Nagulat ako ng ibalita ito sa akin ng kaibigan kong si Gabriel. Nabaril daw si Blade at isinugod sa ospital.

"Princess, wag ka ng umiyak. Stable na ang lagay ni Blade. He'll wake up soon enough." Nakangiting sambit ko.

"Hindi ko mapigilan ang mag-alala, Dad. I'm so worried for him.. It's been 36 hours pero hindi pa din ito gumigising.. What if may anomalies na nangyare sa operation niya?" Humihikbing sambit nito.

"Nakausap na namin ang doctor ni Blade. Normal lang daw yun dahil masyadong maraming dugo ang nawala sa kanya kaya matatagalan siya ng gising pero, he'll be fine." Turan ni Athena.

Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi niya at nakangiti itong tinignan.

"He's gonna be okay. Doctor kami ng Mom mo, we'll take care of him." Sambit ko.

"You promise, Dad?" Namamasa ang mga matang tanong nito.

"I promise." Tugon ko at kiniss ito sa noo.

"We should go home muna, Zaylee. Need mo din maligo at magpahinga muna. Ang Daddy mo muna ang magbabantay kay Blade dito." Saad ni Athena.

"Ayoko Mom. I'm not leaving him. Gusto ko siyang bantayan lang. Gusto ko pagkagising niya nandito ako sa tabi niya." Reklamo ni princess.

"Hindi ka ba nandidiri? Wala ka pang ligo, gusto mo bang makita at maamoy ka ni Blade ng mabaho ka? Kailangan presentable ka pagkagising niya diba?" Umiiling na turan ni Athena.

Nakita kong napaisip si princess kaya napangiti ako dahil ang cute ng anak ko. Tumayo ito at pumunta sa salamin at humarap sa amin.

"Let's go home, Mom. Ayokong makita ako ni baby na haggard ako." Sambit ni princess.

Nauna na itong lumabas ng room ni Blade kaya sumunod na din si Athena. Kusa akong napangiti dahil nagawa niyang mapasunod si princess by reversing her thoughts.

Ilang minuto pagkatapos umalis nila Athena ay pumasok si Gabriel kasama sina Cree, Reign at Zhee.

"Magandang araw Senor Storm!" Nakayukong sambit nilang lahat sa akin.

"Magandang araw din. Ano ng balita sa nangyare Gabriel?" Tanong ko.

"Wala pa din kaming idea kung nasaan sina Chronos at ang mga kasama nito." Tugon nito.

"Malamang ay nandun na siya sa mga allied gangs nila." Sambit ko.

"Permission to speak, Senor." Sambit ni Cree.

"Granted." Sambit ko.

"May hinala po kami na mayroon pong traydor sa loob ng gang namin." Saad ni Cree na nakapagpagulat sa akin.

"Bakit mo naman naisip yan?" Tanong ko.

"Dahil po sa resulta ng nangyareng pag-atake namin sa hideout ng HNG at sa sinabi ni Chronos." Sagot nito.

"I want the details, soldier." Diretsong utos ko.

"Nalaman po kasi ni Chronos ang lahat ng hakbang na gagawin namin. Hindi po mabilis macounter ang mga pagkilos namin lalo na po kapag si Blade ang nagplano." Sambit ni Cree.

"And nalaman din po niya ang relasyon ni Zaylee at Blade. Walang ibang nakakaalam ng namamagitan sa kanila maliban sa mga members ng gang." Dugtong ni Zhee.

"Naging maingat po sila at hindi po sila naging halata kapag may ibang tao, kaya mahirap pong paniwalaan na nalaman yun ni Chronos. So that leads to our theory na mayroong traydor sa loob ng gang namin." Pagtatapos ni Reign.

The Atrocious GangsterWhere stories live. Discover now