Chapter 11: Knight of Hell

56 7 9
                                    

Zaylee's POV


Papunta ako ngayon sa room nila Blade para dalhin ang bloodrage na para sa kanya. Sinadya ko pa talagang madaliin ang pagpapagawa nito para bukas. Habang naglalakad ako napansin ko si Blade na nakahiga sa ilalim ng puno. Nilapitan ko siya para maibigay na sa kanya ito.


"Wala ka bang klase ngayon?" Nakangiting tanong ko.


Dumilat ito at tumingin sa akin, mukhang nagising ito sa biglaang pagsasalita ko.


"Zaylee, ikaw pala. Wala akong klase ngayon." Maikling tugon nito at umupo.


"Bakit ka nakatambay dito? Mahilig ka din pala sa mga puno? Ako din mahilig ako sa mga puno eh, nakakarelax kasi." Nakangiting sambit ko habang nilalasap ang hangin.


"Tama ka. Nakakarelax at napakarefreshing sa pakiramdam." Pagsang-ayon nito sa akin.


"Sobra. Nga pala, para ito sa iyo." Sambit ko at iniabot sa kanya ang paperbag.


"Ano ito?" Tanong nito.


"Buksan mo kaya para malaman mo." Seryosong turan ko.


Binuksan niya ang paperbag at inilabas niya ang bloodrage. Kitang kita sa mukha niya ang pagkagulat ng makita ito kaya napangiti ako.


"You are now an official member of BSS. Congratulations!" Nakangiting sambit ko.


"Thank you, Zaylee." Seryosong saad nito.


"Naku! Hindi mo na kailangang magpasalamat sa akin. Lahat naman talaga tayo dapat meron niyan eh." Sambit ko.


"Iingatan ko ito." Seryosong sambit nito habang tinitignan ang bloodrage.


"Sukatin mo na para malaman natin kung kasya sa iyo." Sambit ko.


Tumayo ito at isinuot na niya ang bloodrage. Napangiti ako habang tinitignan kung bagay ba ito sa kanya.


"Bagay sa iyo, ingatan mo ang bloodrage, yan ang uniform ng gang natin lalo na kapag nakikipag-away tayo." Turan ko.


"Bakit bloodrage?" Takang tanong nito.


"Bloodrage ang tawag namin sa uniform dahil kapag suot-suot namin yan ay walang nakakatalo sa amin dahil palaging nag-aapoy sa galit ang mga dugo namin." Nakangiting sambit ko.


"Sisiguraduhin kong hindi masisira ang pangalan ng gang natin dahil sa akin Zaylee." Seryosong saad nito.


"Blade? Asan ka na? Blade!" Rinig naming sigaw ng kaibigan niyang babae.


The Atrocious GangsterWhere stories live. Discover now