Chapter 5: Death

65 9 11
                                    

Blade's POV


It's Saturday, my favourite day of the week kasi walang kailangang gawin na kahit ano, basically it's rest day. Wala akong ibang balak gawin kundi ang matulog at humiga buong araw. Naputol ang tulog ko ng magring ang cellphone ko at nakitang tumatawag si Simon.


"Why? What do you need dude?" Nakapikit kong tanong sa kanya.


"Where are you?" Tanong niya din sa akin.


"At my house obviously. Bakit ka ba napatawag? Anong kailangan mo?" Inaantok kong tanong sa kanya.


"Gala tayo ngayon. Magready ka na papunta na kami nila Jacob diyan sa inyo ngayon." Sabi niya sa kabilang linya.


"Ayoko. Inaantok ako, wag kang magulo Simon. Gusto kong magpahinga, at tsaka anong papunta sa bahay ko? Alam mo ba saan ako nakatira?" Sabi ko sa kanya.


"We're outside your house already Blade." Natatawang sabi niya sa akin.


"I don't believe you." Seryoso kong sabi.


Inend ko na ang call para bumalik sa pagtulog ng bigla akong tinawag ni mommy sa baba.


"Blade! Bumaba ka nga rito at may naghahanap sa iyo!" Sigaw ni mommy sa baba.


Napadilat ako ng wala sa oras. What the heck?! Seryoso ba si Simon? Paano niya nalaman ang bahay ko?! Nagmadali akong bumaba at nakita ko silang tatlo na nakaupo sa sofa kausap si mommy at ang mga kapatid ko.


"Oh, nandiyan na pala si Blade. Naghilamos ka na ba baby?" Sambit ni mommy habang nakangiti sa akin.


"What are you three doing here? What the heck?" Hindi makapaniwalang sabi ko.


"Son, wag mo silang sungitan ng ganito kaaga." Nanenermon na sabi ni mommy.


Nakangiti lang ang tatlo habang ako naiinis sa mga nangyayare! Sinong nagsabi sa kanila saan ako nakatira?!


"Maghilamos ka na baby. Dalian mo at aalis daw kayo sabi ng mga kaibigan mo." Sabi ni mommy sa akin.


"Tss, wait here. I'll be here in an hour." Seryosong sambit ko sa kanila.


Bumalik na ako sa kwarto para maligo at magready sa plano nilang gumala at nandamay pa. Nakakainis! Gusto kong magpahinga lang sana ehh.


---


Krista's POV


Nasa mall kami ngayon at naglalakad lakad nila Blade. Kanina pa nang-aasar sina Simon at Jacob kay Blade about sa kung paano siya lambingin ng mommy niya at kung gaano daw ito kabait at ano pa.

The Atrocious GangsterWhere stories live. Discover now