Chapter 16: Gangster Royale

51 4 1
                                    

Zaylee's POV

Nagising ako sa tunog ng alarm ko, this is it. Ito na ang araw ng Gangster Royale, sana naman handa na si Ice. Kinakabahan ako para sa kung anong pwedeng mangyare ngayon. Bumangon na ako at naligo para makapag-almusal na, pagkababa ko sumalubong kaagad sa akin si Dad.

"Good morning Princess!" Masiglang bulalas ni Dad.

"Morning, Dad." Matamlay na tugon ko.

"Something wrong? Bakit matamlay ka?" Tanong nito.

"Nothing Dad." Sagot ko at umupo na sa dining room.

"Athena, ikaw nga kumausap sa anak mo. Mukhang may problema siya." Sambit nito.

"Zaylee, anong problema mo?" Tanong ni Mom.

"Wala nga kasi." Sambit ko at kumain na.

Binatukan ako ni Mom na ikinareklamo ko.

"Aray naman Mom! Bakit ka nambabatok?!" Singhal ko.

"Sinungaling ka kasi! Kung sinabi mo na edi sana hindi kita binatukan!" Singhal din ni Mom.

"Wag mo namang batukan si Princess, Athena." Sambit ni Dad.

"Manahimik ka kung ayaw mong ikaw ang batukan ko!" Singhal ni Mom kay Dad.

"Kinakabahan lang ako dahil ngayon ang Gangster Royale!" Sigaw ko.

Napatingin sila sa aking dalawa, alam kong nagulat sila dahil ngayon lang ako umamin sa totoo kong nararamdaman. Anong magagawa ko, kinakabahan ako para sa kaligtasan ni Ice.

"Sino ba ang magpaparticipate?" Tanong ni Dad.

"Si Ice. Nag-aalala ako, paano kung mapahamak siya habang nagpaparticipate siya dun?" Nakayuko kong sambit.

"Diba palaging ikaw ang sumasali dun? Bakit si Ice na ang kasali ngayon?" Tanong ni Mom.

"Kasi bawal na daw sumali ang mga leaders. Naglabas ang UHG ng bagong rule, ngayon wala kaming magawa kundi sumunod." Saad ko.

"Anong oras ang Gangster Royale? Handa na ba si Ice?" Tanong ni Mom.

"Mamayang 4pm. Handa na daw siya sabi niya. Kinakabahan ako baka mapahamak siya." Sambit ko.

"Alam mo Princess, magtiwala ka sa kakayahan ni Ice. Sigurado akong kaya niya yun, alam naman niya kung ano ang mangyayare once matalo siya diba?" Turan ni Dad.

"Yes, alam niya ang consequence kapag natalo sa GR. Yun yung isang ipinag-aalala ko, baka ipilit niyang manalo kahit anong mangyare. Mas okay sa aking matalo kami as long as hindi siya mawawala sa akin. Hindi ko kakayanin yun, just the thought of losing him hurts me." Naiiyak kong saad.

"You love him? Akala ko ba ayaw mo sa kanya?" Nakangising tanong ni Mom.

"Hindi ko pa pala nababanggit sa inyo pero kami na ni Ice, 2 months na kami as a couple." Sambit ko.

"Talaga?! Hahaha sabi na magkakatuluyan kayong dalawa Princess eh! I like him for you, wag mo siyang sasaktan okay?" Nakangiting turan ni Dad.

"Engot ka kapag sinaktan mo si Ice. Pasalamat ka nga nagustuhan ka niya eh, tss." Sambit ni Mom.

"Athena, wag mo ngang awayin anak mo." Saad ni Dad.

"Kaya lumalaki yang spoiled dahil sa iyo. Manahimik ka diyan at kumain ka na." Iritang bulalas ni Mom.

"Oo nga ito na kakain na wag ka ng magalit, I love you." Ngumungusong sambit ni Dad.

The Atrocious GangsterWhere stories live. Discover now