©photo credit to the owner
.
NAPAKABILIS lumipas ng mga araw. At katulad ng gusto ni Mariz, naihanda ang lahat sa loob lamang nang maikling panahon. It was just a small event. Kaylaki ng pasasalamat niya sa ina dahil naging buhos talaga ang panahon nito sa preparasyon ng kasal nila ni Zenith. Tiniyak nitong wala itong nakaligtaang ditalye sa dream wedding na gusto niya.
They didn't need to rent a place for the said occasion. Nang maisip niya ang isang nature-themed wedding, ang perpektong lugar na pumasok sa isip niya kung saan nila puwedeng idaos iyon ay ang bahay-bakasyunan ni Zenith. She loved the serene beauty of nature there. The stillness and the tranquility, especially at night. Hindi niya makakalimutan iyong sandaling nagbakasyon sila roon ng nobyo nang maglatag ito ng picnic cloth sa may tabi ng ilog at pinanood nila ang daan-daang alitaptap. It was so beautiful, almost magical. Kaya naman ang napili niyang oras ng kanilang kasal ay iyong padapit-hapon na.
Her wedding gown was a stunning Monique Lhuillier. And on her groom was a Burberry two-piece tailored suit in black. He looks so hot in it. At hindi naman siyempre patatalo ang kanilang bunso who was equally handsome in a Dolce and Gabbana suit. Ito dapat ang best man ni Zenith but since they were planning a church wedding after a year or two, si Callous ang naging best man nito. At para kay Odi ay dapat lang naman dahil bilib ito sa pagkakaibigan ng dalawa.
"You look so beautiful, pudding," ang tila emotional na saad ng heneral nang hagurin ng tingin ang anak sa suot nitong wedding gown. "Parang kailan lang, ayaw mo halos bumitiw sa uniporme ko sa tuwing made-deploy ako sa malayo. But now, look at you. All grown up and soon to be someone's wife."
"Oh, Papa. You're making me cry."
He laughed softly. Then he blinked several times to prevent his tears from falling.
Si Sally na pinagmamasdan ang tagpong iyon sa pagitan ng mag-ama ay palihim na nagpahid ng luha.
"Here, 'Ma," isang puting panyo ang nakita ng ginang sa kanyang harapan.
Nakangiting inabot nito iyon at ipinahid sa luha.
"Thank you, son."
"Shall we?" iprinisinta ni Odi ang kaliwang braso sa kinagisnang ina.
Agad naman iyong tinanggap ni Sally na may matamis na ngiti sa labi.
Most of the invited guests were flown by a chopper. Ang mga principal sponsors ay iyon lamang talagang malalapit sa pamilya. Samantalang ang mga abay na lalaki naman ay nauwi sa palabunutan sa siyam na kaibigan ni Zenith maliban kina Callous at Torment. Pero kahit likas na mukukulit at pasaway ang mga kaibigan ni Zenith ay naging behave ang mga ito. In fact behave na behave na akala mo ay mga batang tatanggap ng first communion. O marahil ay intimidated ang mga ito sa presensya ng dalawang heneral sa pagtitipong iyon. Ang una ay retirado na sa katauhan ni Gen. Andrade habang ang ikalawa naman ay ang kasalukuyang Police General ng PNP na isa sa tatlong pares ng wedding sponsors ng kasal.
BINABASA MO ANG
The Untouchables Series Book 1 Zenith Fujimori
ActionSPG 18 "Paghalu-haluin man ang lahat ng alak sa mundo ay hindi ako malalasing, maliban sa mga labi mo." Zenith Fujimori