All in

18K 1.1K 203
                                    

PARANG sinikmuraan ang pakiramdam ni Zenith nang aksidenteng pumatak ang isang butil ng luha ni Mariz sa kanyang braso

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PARANG sinikmuraan ang pakiramdam ni Zenith nang aksidenteng pumatak ang isang butil ng luha ni Mariz sa kanyang braso. Isang butil ng luha na nasundan ng marami pa. At nang makita niya itong kumagat-labi upang pigilang mapahikbi ay hindi na niya naawat ang sarili. Kinabig niya ito at mahigpit na niyakap. His chest hurt. Bawat impit na hikbi mula rito ay parang mga mumunting bubog na bumabaon sa kanyang dibdib.

I'm sorry. Dalawang kataga na gusto niyang sabihin dito ngunit hindi nagawang maglagos sa kanyang lalamunan. Dahil ilang ulit na ba niya iyong sinabi rito? Pero sa huli ay lagi rin naman niya itong nasasaktan.

"You're so unfair," wika nito sa basag na tinig, puno ng hinanakit. "It's always easy for you to leave me. Then out of the blue you just waltz in like nothing happened."

"No, no. That's not true. Kung alam mo lang, ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Na kahit sinasabi ng matinong bahagi ng utak ko na dapat na kitang isuko ay hindi ko pa rin magawa. Nasaan man ako, gaano man kaabala ang buong araw ko, ikaw at ikaw pa rin ang paboritong laman ng utak ko."

"Then why?!"

"I'm tainted."

Natigilan ito sa sinabi niya. Mula sa pagkakasubsob sa dibdib ni Zenith ay nagtaas ng tingin si Mariz. Zenith reached up and brushed her tear-stained cheeks with his knuckles.

"What are you saying?"

"My father was not a good man, Mariz, he was a Yakuza boss. He didn't die in a car accident. He died in a very tragic death along with my stepmother who was brutally raped and killed right in front of my eyes."

"Oh, my God," Mariz gasped softly in horror.

"I'm sorry for lying to you."

"A-are you also a... a member of this underground organization?"

Marahang umiling si Zenith. His eyes held sincerity. Sa mga sandaling iyon ay handa na siyang ipagtapat dito ang lahat. Kung tatanggapin pa rin siya ni Mariz pagkatapos ng lahat ng malalaman nito ay hindi na siya mag-aatubiling ipaglaban ito kahit pa isang batalyong sundalo ang iharang ni Gen. Andrade sa kanyang daraanan.

"You're not making this up, are you?" ang tila may pag-aalinlangan pa ring tanong nito.

Gumuhit ang isang munting ngiti sa mga labi ni Zenith bago ikinulong sa dalawang palad ang mukha ng babaing pinakamaganda sa kanyang paningin. Pinaglapat niya ang kanilang mga noo. As if saying a prayer, he whispered his next words: "No, sweetheart. No more secrets. Right now, I am baring my soul. And I am practically placing my life in the palm of your hands."

Napahugot ng malalim na paghinga si Mariz. "The night when we first met, you were wounded. Did you kill someone?"

"Yes."

Mariin itong napapikit na parang hirap tanggapin ang katotohanan niyon.

"Why?" halos bulong lamang na tanong.

The Untouchables Series Book 1 Zenith FujimoriTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon