FIFTEEN years later.
"AYOS ka lang ba?" tanong kay Zenith mula sa kabilang linya.
"Ayos lang ako," tugon niya.
It was Callous. Kausap niya ito sa earpiece na nasa kanyang tenga.
"Nagawa mo nang malinis?"
Niyuko muna ni Zenith ang tagilirang kumikirot bago sumagot sa tanong ng kausap.
"Oo."
"See you at The Devil's Lair," tukoy nito sa club na nagsisilbing lungga nilang magkakaibigan.
"Nah, not tonight. Maybe some other time."
"You don't sound okay. Are you hurt?"
Napabuntong-hininga siya. "Just a graze."
Narinig niya ang malutong na pagmumura sa kabilang linya.
"Where are you? I'll come and pick you up."
"Stay put, Cal. I'm okay. I'll manage." Somehow. Hindi simpleng daplis lamang ang tama niya, at alam niyang alam din iyon ni Callous. Kilala na nito ang ugali niya. Siya ang tipong kahit naghihingalo na ay hindi pa rin hihingi ng saklolo.
"How bad is it?"
"I told you, daplis lang."
"Knowing you."
"Tsk. You're starting to sound like a nagging wife, beastie," may halong panunudyo niyang sabi rito, short for best friend.
"I'm on stand by in case you need me, got that?"
"Copy." Iyon lang at tinapos na niya ang pakikipag-usap dito.
Narinig niya ang sirena ng police mobile sa di-kalayuan. Marahil ay pinaghahanap na ng mga iyon ang gunman na bumaril kay Akihiro Tanaka. Binagtas niya ang madilim na kalye patungo sa kinahihimpilan ng kanyang kotse. Ngunit malayo pa lang ay may narinig na siyang tahol ng mga aso. Mabilis siyang nagkubli. Pagsilip niya ay natanaw niya ang ilang naka-unipormeng pulis na tila may kung sinong hinahanap.
Mahina siyang napamura atsaka lumihis ng direksyon para makaiwas sa mga ito. Binaybay niya ang isang maliit na eskinita hanggang sa marating niya ang gilid ng kalsada. Mag-a-alas diyes na ng gabi, pero dahil lungsod na bahagi iyon marami pa ring tao ang makikita sa kalye.
Naramdaman niya ang pagkirot ng sugat sa kanyang tagiliran. Ilang inhale-exhale ang marahan niyang pinawalan para pakalmahin ang makatagos-lamang kirot. He wanted to hail a cab so he could leave that place pronto, but no luck. Panay okupado na ang mga taksing nagdaraan sa kanyang harapan. Nagsimulang pumatak ang ulan. Itinaas niya sa ulo ang hood ng suot na jacket.
Isang babae ang patakbong tumawid ng kalsada. Nakasuot ito ng puting uniporme na tingin niya ay sa isang doktor. O nurse? Hindi siya sigurado. May kausap ito sa cellphone at oblivious sa paligid nito. Luminga-linga ito na tila naghahanap ng masisilungan. Unfortunately, there was none.
BINABASA MO ANG
The Untouchables Series Book 1 Zenith Fujimori
ActionSPG 18 "Paghalu-haluin man ang lahat ng alak sa mundo ay hindi ako malalasing, maliban sa mga labi mo." Zenith Fujimori