"WHAT are you doing here?" masungit na bungad ni Odi nang mabungaran nito si Zenith pagpasok ng bahay.
"Is that how I raised you, Odilon Reinald?"
Gulat na nilingon ni Odi ang ama na noo'y kalalabas lamang mula sa library.
"Sorry, Papa," labas sa ilong na paghingi nito ng paumanhin.
"Sa palagay ko ay hindi mo sa akin dapat sabihin 'yan kundi sa ating bisita."
Kahit mukhang kontrang-kontra ang kalooban ay napilitang humarap si Odi kay Zenith.
"Sorry," muli ay labas sa ilong na sabi nito habang pailalim na nakatingin.
Naitikom paloob ni Zenith ang mga labi. Siguro kung wala pa siyang ideya na ito ang bunso niyang kapatid ay mapipikon na naman siya rito. Pero ngayon ay hindi inis ang nararamdaman niya, bagkus ay pagkaaliw. He's obviously pissed with him. And he understands where he's coming from. Sa mga kuwento ng kasintahan noon ay malapit ang mga ito sa isa't isa. At nasaksihan din niya kung gaano katindi ang naging galit nito nang araw na inakala ng mga itong nakikipag-date siya sa iba.
Isang linggo na ang nakakaraan mula nang huli silang magkausap ng heneral. Pinag-isipan niyang mabuti ang sinabi nito. Parang lutang pa ang utak niya nang umuwi siya. Ni hindi na nga halos niya maalala kung anong huling salita ang iniwan niya sa heneral, para kasing nag-overloading ang utak niya. Added the fact that his emotions were all over the place.
"I told him to come here so he could give you a hand."
"For what?" may pagtatakang tanong ni Odilon sa ama.
Si Zenith man ay nagtataka rin. But he masked his surprise and kept his mouth shut.
"Magtutulong kayong dalawa sa paghuhukay ng gagawing natural pool sa likod," Gen. Andrade arched his thumb in that said direction.
"I thought Kuya Cris found a contractor for that?"
"I heard it will cost about seven hundred thousand pesos to construct a pool nowadays. I'm sure kung pagtutulungan niyong dalawa ang paghuhukay makaka-menos iyon sa gastos."
"Nagbibiro ba kayo?"
"Look at my face," itinuro ng heneral ang nakapormal na mukha. "Ito ba ang mukhang nagbibiro?"
Kung si Zenith ang tatanungin, mukhang hindi marunong magbiro ang heneral.
"Papa, nagkukuripot ka na naman, eh."
"At sino ba ang nakikinabang sa pagkukuripot ko, aber? Kayong dalawa ng Ate mo. Besides, it's for your sister. You know how often she complains not having a pool here. Para que pa raw at tinawag na bahay-bakasyunan itong bahay natin kung feeling niya hindi naman siya nagbabakasyon kapag bumibisita rito?"
Isang mahinang ungol ng pagpoprotesta ang lumabas sa bibig nito kasunod ang marahang pagbuga ng hangin.
Tinapik ito ng heneral sa balikat. "Take this time to build your muscle, son. A few days of hard labor will surely bulk up your muscles."
BINABASA MO ANG
The Untouchables Series Book 1 Zenith Fujimori
ActionSPG 18 "Paghalu-haluin man ang lahat ng alak sa mundo ay hindi ako malalasing, maliban sa mga labi mo." Zenith Fujimori