Zee's Day

17.5K 1K 101
                                    

note: sa mga nasa field of meds

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

note: sa mga nasa field of meds. baka po may mga maling terms o specifics akong nabanggit, you are welcome to correct me😅😅  


MABAGAL na lumipas ang mga araw para kay Mariz. Sa lumipas na halos isang buwan ay dalawang beses pa lamang niyang nakausap sa telepono ang inang si Sally. At iyon ay para sabihin sa kanyang hindi pa ito handang umuwi, that she still needs more time. She said, she's planning to go on a retreat. Sumang-ayon na lang siya. Kung sa palagay nito ay iyon ang makabubuti rito ay susuportahan niya na lamang ang ina.

She focuses her attention in her residency. Kapag may kaharap siyang mga pasyente ay pansamantala niyang nakakaligtaan ang problema sa kanyang pamilya. At nagkataon namang sunod-sunod ang dagsa ng emergency cases sa Sacred Heart Hospital kaya halos walang pahinga ang isip at katawan niya. She needed to be alert and attentive at the same time in order to become an effective health care provider in her chosen field.

Naghahanda na siya para umuwi nang mapansin niya ang reminder na naka-set sa kanyang calendar.

My Baby Zee's Special Day.

Napangiti si Mariz. Kaarawan iyon ni Zenith. Hindi niya ito natanong kung ano ang plano nito sa sariling birthday. Pero nakausap na niya si Mang Damian, ang katiwala ni Zenith. Susunduin siya nito sa ospital at ihahatid sa bahay ng binata para ipaghanda ito ng special dinner. Of course, she already ordered ahead of time. Dadaanan na lang nila pagsundo sa kanya ni Mang Damian ang mga in-order niyang pagkain.

Nang magkausap sila ni Zenith over lunch ay medyo toxic daw sa area nito kaya baka late na itong makauwi. Ang sagot naman niya ay ayos lang dahil busy rin siya at dala niya ang sariling sasakyan. Sa tono ng pananalita ng nobyo habang nag-uusap sila kanina ay mukhang limot na nito ang espesyal na okasyon sa araw na iyon. But it doesn't matter. Nakatitiyak naman siyang uuwi ito kaya ayos lang. Magugulat itong tiyak kapag nadatnan siya dahil nag-effort talaga siya para ipaghanda ito at gawing espesyal ang okasyong iyon.

Kung kilala niya nga lamang sana ang lahat ng kaibigan nito ay baka kinutsaba niya rin ang mga iyon para bigyan ng mas bonggang selebrasyon ang kasintahan. Kaya lamang ay si Qaid pa lang ang nakikilala niya nang personal. Iyong iba ay hindi pa. Bagaman sa mga pag-uusap nila ni Zenith ay madalas nitong mabanggit ang pangalan ng mga iyon. Hindi niya pa nga lang kilala sa mukha.

Muling pinahapyawan ng tingin ni Mariz ang romantikong pagkakaayos ng dining table bago satisfied na ngumiti. Ready na ang lahat. Ang celebrant na lang ang kailangan niyang hintayin.

"May kailangan pa ho ba kayo, Ma'am?" tanong ni Mang Damian nang makitang ayos na ang lahat sa hapag.

"Wala na ho, Mang Damian."

"Sige ho, Ma'am. Mauuna na ako sa inyo."

"Huwag niyo pong kalilimutan 'yong binalot ko para sa inyo."

"Napakarami nga ho, Ma'am, mag-isa lang naman ako. Salamat."

Nginitian lamang ni Mariz ang katiwala. "Mag-iingat po kayo."

The Untouchables Series Book 1 Zenith FujimoriTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon