Let's break up

18.9K 1.1K 236
                                    

AFTER that night, pakiramdam ni Mariz ay nagkaroon ng pagbabago sa relasyon nila ni Zenith

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

AFTER that night, pakiramdam ni Mariz ay nagkaroon ng pagbabago sa relasyon nila ni Zenith. She started to question his long absence. Dahil bagama't hindi na nito nakakaligtaang i-update siya kapag may biglaan itong biyahe ay inaabot pa rin ng kung ilang buwan iyon bago sila magkita. Pakiramdam niya ay meron siyang nobyong sundalo na parating nakadestino sa malalayong lugar. At sa totoo lang ay ilang beses pa rin iyong pinagmulan ng pagtatampo niya rito. Siya nga na doktor ay parating may panahon dito kahit gaano pa kaabala ang schedule niya pero ito ay daig pa ang pinaka-in-demand na surgeon sa bansa. 

When she completed her residency in Sacred Heart Hospital, she joined Graciela in Inamorada Medical Center. And while preparing herself to put up her own private clinic, naisip niyang makabubuti kung mas magkakaroon pa siya ng malawak na experience sa kanyang field. At isang napakalaking ospital ang IMC. Karamihan ng mga espesyalista rito ay iyong may mga pangalan na talaga sa medisina. Even Graciela's grandfather is a living legend in his own field. Very modest lang talaga si Graciela. Hindi ito katulad ng iba na kakikitaan ng ire. And that's what she likes most about her. Sa IMC na rin mas nabuo ang pagkakaibigan nila dahil karamihan ng mga naging kaibigan niya sa SHH kung hindi nangibang-bansa ay bihira na niyang makasama. 

Her parents are now now legally separated. It was mutually agreed by both parties despite going through a marriage counseling. Walang nagawa ang psychotherapy upang muling mabuo ang pagsasama ng mga ito. At dahil kapasyahan na iyon ng mga magulang, hindi na rin sila komontra ni Odi. Wala rin naman silang magagawa. Odi is now living with their father. Ang Mama niya naman ay lumipat na sa ancestral home ng grandparents niya. Sakitin na kasi ang kanyang abuela. At ibig daw itong makasama ng kanyang ina sa mga huling sandali nito. Her grandmother is not terminally ill or anything of that sort. Ngunit mahigit na itong sitenta at may pagkamalilimutin na rin. At dahil gusto rin ng kanyang Mama na makabawi sa ina, ito na ang nagprisintang titingin sa kanyang abuela kahit pa nga meron naman iyong personal nurse na siya talagang nag-aalaga rito. So basically, mag-isa na lamang siya sa kanilang mansion kasama ang mga kasambahay. Every once in a while ay binibisita niya ang kanyang ina o di kaya naman ay siya ang papasyal sa kanyang Papa o lalabas na kasama si Odi.

Ang sabihing malungkot ang buhay niya ay kulang. Plus the long absence of her boyfriend. Naturingang may nobyo siya ay parati naman itong wala sa kanyang tabi. Katulad niyon, may ilang buwan na naman mula nang huli silang magkita. May umantak na sakit sa kanyang dibdib. Napatanong siya sa sarili kung hanggang kailan ba magiging ganoon ang kanilang set-up.

Tumunog ang kanyang cellphone.

Odi calling...

"Hello?"

"Hi, Ate. Wanna hang out?"

Kumurba ang isang kilay ni Mariz kasunod ang pagguhit ng ngiti sa labi. "Asus, parang alam ko na kung bakit bigla kang nagyayayang lumabas?"

May driver's license na ito. Niregaluhan ito ng kotse ng Papa nila sa nakaraang kaarawan nito, a Chevrolet Camaro.

"Hindi ba puwedeng na-miss lang kita?" may himig-pagtatampong sabi nito.

The Untouchables Series Book 1 Zenith FujimoriTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon