A Brewing Storm

19.3K 1K 140
                                    

"THAT'S Gen

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"THAT'S Gen. Andrade? 'Yong tatay ng Doc ni Z?" 

Imboluntaryong tumuwid ang gulugod ni Zenith mula sa pagkakaupo nang mag-flash sa screen ang surveillance photo ni General Andrade kasama ang dalawa pa sa kumpirmadong utak ng illegal arm deals sa loob ng hukbong sandatahan na sina Col. Batungbacal at Commodore Pelaez.

He was in high spirit nang magpatawag ng meeting si Ferocious sa loft. Tamang-tama naman na kahahatid niya pa lang sa kasintahan sa ospital kaya sa loft na siya tumuloy. Kung gaano kataas ang enerhiya niya pagdating ay tila unti-unti namang bumaba iyon sa nakikita niya ngayong surveillance photos na nagpa-flash sa malaking monitor sa kanilang harapan.

"Yes, gentlemen. That's Gen. Andrade," pagkumpirma ni Ferocious sa katanungan ni Trace. "He was seen for the last couple of days in the company of Col. Batungbacal and Commodore Pelaez. From the look of things, they were trying to bring him on their side. Q is now looking at the paper trails, checking for some irregularities in the cash flow."

"Sapat bang basehan 'yon para masabing kabilang siya sa mga rotten eggs? He is three stars higher than a Commodore for fuck's sake," nagsasalubong ang mga kilay na wika ni Zenith.

"You know how our team works, Z. We're not going to make a move on an innocent man unless we are one hundred percent sure about our information."

Walang naisagot doon si Zenith. Dahil kagaya nga nang sinabi ni Ferocious pagdating sa covert surveillance at background checking ay mahusay ang kanilang mga miyembro. Menace is like a chameleon. He blends well in the background whenever he needs to get close to their subject. Venom is good in forgery and in creating disguises na mala-Mission Impossible. Meanwhile, Thorn is good behind the camera. Walang nakakaligtas na ditalye sa matalas nitong mga mata. Silang tatlo ang kadalasang gumagawa ng mabusising trabaho pagdating sa covert surveillance. And most of the time they coordinate with Q before making the final report on their subject to corroborate the information they have gathered.

"Do you wanna sit this one out?" ani Ferocious.

Nahagod niya ang batok. "No, I'm good."

"Sure?"

Matiim niyang tinitigan ang kausap. "Yes."

"You have to set aside your personal feelings about our subject."

"I perfectly understand."

"Okay. But before we proceed, Scythe, Callous, and Omi will be joining Tor in Italy. Tor wants to focus on Don Umberto Adduci."

Marahang kumuyom ang mga kamao ni Zenith nang marinig iyon. Tor is hell-bent on chasing the man who killed his father. Nasaksihan nila mismo kung paanong binaril ng dimonyong iyon ang Papa ni Tor. Siya sa kabilang banda ay hinahanap ang nawawalang kapatid. May nakapagsabi sa kanya na ang taong pumatay sa kanyang ama ay ang tao rin na kumuha sa kanyang kapatdi. Hindi siya sigurado kung buhay pa ang bunso niyang kapatid. But he will find him, no matter what. And at all cost.

The Untouchables Series Book 1 Zenith FujimoriTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon