Sweet Stalker

20.7K 1.1K 153
                                    

ZENITH followed Mariz like a devoted watchdog

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ZENITH followed Mariz like a devoted watchdog. Kung saan ito magpunta ay nakasunod din siya sa dalaga. May bibilhin lamang daw ito.

"But you can leave me here now. I don't want to take so much of your time, baka nakaka-istorbo na ako."

"No, I'm free. I have all the time in the world."

"If you say so," she smiled and shrugged her shoulders.

Sa tuwing ngumingiti ito ay hindi niya mapigilan ang sariling titigan ito, lalo na ang dimples nito. She is really beautiful.

Pagpasok nila ng mall ay pumasok ito sa isang art and craft store. Nagtanong ito sa salesclerk doon ng paint na hinahanap nito. Itinuro ito ng babae sa paint section.

"Nagpipinta ka?" curious niyang tanong sa dalaga.

"No, I'm buying it for my brother. Mukhang may tinatapos na naman siyang project at naubusan na siya ng paint materials."

Sinundan niya ito at tiningnan kung anong klaseng pintura ang binibili nito.

"He's into clay sculpture. He sold some of his works on line," ani Mariz.

"He must be pretty good."

"Oh, he is," there was an obvious pride in her voice when she said that. "Here, see for yourself."

Tila proud na nanay na ipinakita nito sa kanya ang sinasabi. Inilabas nito ang cellphone at may in-access itong portfolio website.

"See? Those were some of his previous works."

Biglang nag-unahan ang pintig ng puso ni Zenith nang lumapit ang dalaga at halos magkadikit na ang kanilang mga mukha. Langhap na langhap niya ang pabango nito at ang natural na amoy. Babaing-babae.

"Beautiful, isn't it?"

"Perfection."

Nang lumingon ito sa kanya ay huling-huli siya nitong nakatitig sa mukha nito. Biglang namula ang magkabilang pisngi ni Mariz. Napairap ito sa kanya at akmang ilalayo na ang cellphone nang pigilan niya ang kamay nito. He felt the instant urge to thread his fingers with hers. Then his eyes landed on her phone. Nagtiim ang mga labi niya nang makitang halos nabiyak pala sa gitna ang screen ng cellphone nito.

Makikipagtuos talaga siya sa lalaking 'yon!

"Tumatanggap ba siya ng pre-order?" he diverted his thought by focusing his attention on the phone.

"Oo naman. Interesado ka?"

"Ask him if he can make me a Ken Kaneki figure. I'm willing to pay. Sky is the limit."

"Are you serious?"

"Yes."

Namilog ang magaganda nitong mga mata. "Wait, who is Ken Kaneki?"

The Untouchables Series Book 1 Zenith FujimoriTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon