The Request

16.8K 1K 168
                                    

PAGPASOK ni Zenith sa library ay isang larawan ang ipinakita sa kanya ni Gen

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAGPASOK ni Zenith sa library ay isang larawan ang ipinakita sa kanya ni Gen. Andrade. Natigilan siya nang makita kung ano ang bagay na iyon. A very beautiful katana with a dark blade.

"Kurou no Tatsu," wika ng heneral na tumutukoy sa larawan.

"Dark dragon."

Tumango ang heneral. "Your father gave it to me as a token of friendship. It was believed to be one of Masamune's last  works."

"Masamune? The legendary Japanese swordsmith?"

"Yes, his works can be traced back from 1288-1328. The most famous of all his swords is the Honjo Masamune and considered to be one of the most important historical artifacts that disappeared after World War II."

Hindi na siya nagtataka na marami itong alam tungkol sa mga ganoong bagay. He's a collector.

"I've been looking for that sword--the dark dragon, for more than a decade now," Gen. Andrade gestured at the tablet he was holding. Naroroon ang larawan ng katanang tinutukoy nito.

"Was it stolen?" he asked.

"No. Dala-dala ko iyon nang araw na ibigay niya sa akin si Odi. He said he doesn't have any weapon with him dahil kailangan nilang i-surrender ang kanilang mga armas during the meeting. Ipinahiram ko iyon sa kanya kapalit ng pangakong ibabalik niya rin iyon sa akin. Na babalik siyang ligtas pagkatapos ng lahat."

Napapikit si Zenith nang maisip kung ano ang naging kasunod ng lahat ng iyon. Kasabay niyon ay bumalik sa kanyang alaala kung paano niya natagpuan ang bangkay ng kanyang ama. His throat was slit that his head was barely hanging on top of his shoulders. He closed his eyes to fight the nausea that suddenly assaulted him.

"Then, a couple of weeks ago, I came across this information," inudyukan siya ng heneral na i-slide ang susunod na larawan.

When he did, he saw a picture of a man. And the man looks awfully familiar. Hindi lang siya sigurado kung saan niya ito nakita. Mukhang Hapones ito, bagaman sa tingin niya ay hindi puro.

"That man is Winston Tanaka. He worked as a PPD for an Italian businessman several years ago. Maliban doon ay wala ng mahukay na iba pang impormasyon sa kanya ang impormante ko."

PPD stands for personal protection detail. "May I know the name of this Italian businessman, Sir?"

"Tomasso Giudice."

Tomasso Giudice, nahilot ni Zenith ang sentido.  Why does it ring a bell? Tomasso Giudice, Tomasso Giudice...

At nang sa wakas ay mapagkonekta niya ang mga ditalye ay ganoon na lamang ang pagkamaang niya. Isa ito sa mga kasosyo ni Don Umberto Adduci. Ang kaibahan lamang ni Giudice sa una, may ilang legal na negosyo ang lalaki na ginagamit nitong front for his illegally obtained money.

"Kurou no Tatsu is currently in his possession, " pagpapatuloy na saad ni Gen. Andrade. "Aksidente lamang itong nakita ng isang kapwa ko collector nang magbakasyon sila sa Japan. He asked the owner if it's for sale pero mariing tumanggi ang may-ari who is none other than Tanaka. Espesyal daw sa kanya ang katana. Kung paanong espesyal ay hindi na siya nagbigay pa ng karagdagang ditalye. But he said, he had a bad feeling about the man."

The Untouchables Series Book 1 Zenith FujimoriTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon