"BUZZ off," itinulak ni Zenith ang ulo ni Scythe na pasimpleng sumisilip sa binabasa niyang message mula kay Mariz.
"Damot."
"Gago. Huwag mo akong asarin, may atraso ka pa sa akin. Baka pasakan ko ng C4 ang lahat ng butas sa katawan mo."
"Tangina. Matapos mong laslasin ang gulong ng Viper ko may gana ka pang magsalita sa akin ng ganyan?"
"May pruweba ka?"
Natigilan ito sa tanong niya. "Hindi ikaw?"
"Kung may balak man akong laslasin, 'yon ay ang makasalanan mong kamay na humawak sa lugar na hindi mo dapat hawakan," halos mag-apoy ang mga matang sabi niya rito.
"I told you, it was an accident. 'Sides, I was just following orders," inginuso nito ang direksyon ni Omi.
"May araw rin sa akin ang isang 'yan," aniya.
"I heard that."
"You were supposed to hear it," sagot niya.
"Target in sight, people," anunsyo ni Callous. May hawak itong largabista at nakatutok iyon sa isang lumang gusali kung saan tumigil ang isang L-300 van.
Mula naman sa kanina'y pagkakasalampak sa sahig ay tumayo sila ni Scythe at maingat na tinungo ang gilid ng bintana kung saan nagmamatyag si Callous. Mag-iikawalo na iyon ng gabi at wala na halos taong makikita sa paligid.
Mula sa van ay lumabas ang dalawang goons at maluwang na binuksan ang pinto. Lumabas mula roon ang ilang bata. Ipinosisyon ni Zenith ang kanyang sniper rifle para sipatin sa lente ang nangyayari. Nasa pitong bata ang bilang niya sa mga batang bumaba mula sa van. Hula niya ay anim na taong gulang ang pinakabata at dose naman ang pinakamatanda. Mababakas ang takot sa mukha ng mga ito pati na ang hopelessness.
"How many hostiles?" tanong ni Omi.
"There are four from the van," tugon niya. "'Can't say for sure how many more are there inside that building."
"Any sign of Mr. Chacha?" ani Scythe na lumapit kay Callous.
"Negative."
"We need eyes," ani Zenith sa tatlong kasama.
Ipinasok na ng mga goons ang mga batang nakuha ng mga ito sa loob ng dalawang palapag na gusali. At may awang nadama si Zenith sa mga iyon.
"On it," tugon ni Omi. "Magagamit na rin natin itong bagong drone na gawa ni Qaid."
Inilabas ni Omi ang isang maliit at kulay itim na box. Nang buksan nito iyon ay nakita niya ang isang tila insektong bagay na naroroon. The bee drone. Naalala niya ang ginawang kalokohan ng mga ito sa kanya. Napailing na lang siya at isinantabi muna ang tungkol doon. Pagkatapos ay kinuha ni Omi sa side pocket ng suot nitong black camo pants ang isang parihabang gadget na kasukat ng isang cellphone. He switched it on. Gumalaw ang munting pakpak ng drone na tila naghahanda na iyong lumipad.
BINABASA MO ANG
The Untouchables Series Book 1 Zenith Fujimori
ActionSPG 18 "Paghalu-haluin man ang lahat ng alak sa mundo ay hindi ako malalasing, maliban sa mga labi mo." Zenith Fujimori