WINSTON Tanaka owns a hostel in Shinjuku. At sa mismong receiving area ng hostel ay nakita ni Zenith ang katana na naka-display sa salaming eskaparate na tila ipinagmamalaki iyon ng may-ari sa bawat guests na pumapasok. Nang magtama ang tingin nila ni Scythe ay tahimik silang nagkaunawaan. Iyon ang pakay nilang katana.
And having Scythe in that mission, hinayaan niya itong gawin ang forte nito--ang makipagbolahan sa babaing naka-assign sa front desk. Bukod sa kakaiba talaga ang appeal nito sa mga kababaihan, napakahusay rin nitong gumamit ng mga salita kung paano mahuhuli ang kiliti ng isang babae. Wala ring kaso rito ang language barrier. Sa katunayan ay nagagamit pa nito ang bagay na iyon to his advantage by playing the helpless tourist in a foreign country. Bagaman karamihan sa kanila ay nakakapagsalita ng tatlo hanggang apat na lengguwahe maliban sa English.
Meanwhile, Trace and Venom are not with them. Naka-standby lamang ang mga ito anumang oras na kailanganin nila. Sila naman ni Scythe ay naka-book sa hostel na iyon to meet their subject. Alam nilang hindi isang simpleng mamamayan lamang si Winston Tanaka kaya naman kailangan nilang mag-ingat sa gagawing approach dito.
"Did you know that for the last three years, dalawampu sa nawawalang turista sa bansang ito ay minsang tumuloy rito mismo?" ani Scythe na pahapyaw na inikot ang tingin sa pinaghatiran sa kanilang silid.
Dalawa ang naroroong higaan. Malinis at katamtaman lamang ang laki. But for some reason, he has a bad feeling about the place. O marahil ay iyon ang tinatawag nilang namamahay. Gayong kung iisipin ay hindi naman iyon ang unang pagkakataon na natulog siya sa isang paupahang silid o unit. Pinahapyawan pa niya ng tingin ang buong silid. Maingat na sinusuri ng tingin ang mga tagong bahagi. Hindi lingid sa kaalaman nila na may ilang mga bahay-panuluyan at hotel sa Japan ang may mga nakakubling spycam. Nasa ikalawang palapag ang silid nila at nakaharap ang maliit na balcony sa commercial area ng Shinjuku. Kung isang ordinaryong bakasyon iyon ay mas gusto niya ang ryokan o iyong mga traditional Japanese inn. But since they were not there for a holiday, his preferences does not matter.
"So, what are you saying? He's a serial killer, too, that targeted tourist?" he asked casually.
"We'll never know."
Winston Tanaka is probably a cold-blooded killer. But a serial killer? That's a bit off.
His plan is to approach Tanaka face to face. Ang makita mismo sa mga mata ng lalaki ang katotohanan kung ito nga ang pumatay sa kanyang ama. Some cold-blooded killers have a narcissistic tendency. At kung hindi siya nagkakamali, kabilang si Tanaka sa mga ganoong klase ng tao. And the fact that he puts his father's katana on display is a clear indication that he regarded it as a trophy.
"According to the lady downstairs, Tanaka offers free drinks to their guests every Friday night. He also mingles with their guests and personally welcomes them to make everyone feel at home no matter how brief their stay is."
"Ah, isn't he the most accommodating host?" he said with a hint of sarcasm.
He tsked. "By the way, I have a date."
BINABASA MO ANG
The Untouchables Series Book 1 Zenith Fujimori
AcciónSPG 18 "Paghalu-haluin man ang lahat ng alak sa mundo ay hindi ako malalasing, maliban sa mga labi mo." Zenith Fujimori