Please Forgive Me

18.2K 1K 268
                                    

WALA ng nag-abalang mag-ungkat pa kay Zenith kung nabasted daw ba siya ng kanyang sinisintang doktora nang samaan niya ng tingin ang mga tsismosong kaibigan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

WALA ng nag-abalang mag-ungkat pa kay Zenith kung nabasted daw ba siya ng kanyang sinisintang doktora nang samaan niya ng tingin ang mga tsismosong kaibigan. Nang maubos ang nakalatag na beer sa mesa ay ni-raid nina Menace at Omi ang refrigerator para maglabas pa ng inumin at mapupulutan doon. Nang wala ng makuhang pupulutanin ay lumabas ng loft sina Trace at Scythe. Pagbalik ng mga ito ay balut at penoy ang dala. Pati ang basket ng nagtitinda ng balut ay bitbit din ng dalawa. May nakasabit pang mga chicharon sa gilid ng basket.

"Binayaran niyo rin ba 'to?" tukoy ni Ferocious sa hawak nitong ilang balot ng chicharon na nakasabit sa gilid ng basket.

"Op kors. What do you think of me, thinking of you?" makulit na sagot ni Scythe palibhasa mukhang may tama na ng alak.

It was past midnight. May tatlong oras na rin silang walang humpay na nag-iinuman. Halu-halo ng alcohol ang laman ng kanilang mga sistema.

"Pati nga 'yong magbabalut gustong bayaran ni Scythe. Kamukha raw ng ex niya," tatawa-tawang sabi ni Trace.

"Sheesh. Shatap." Inihilamos ni Scythe ang isang kamay nito sa mukha ni Trace.

Nagkatawanan na sila. Nagkanya-kanya silang dampot ng pulutan sa loob ng basket. 'Yong  iba ayaw ng balut, mas gusto ang penoy. Siya ay ayos lang na walang pulutan.

Bitbit ang basket ng balut, pinakialaman ni Scythe ang naroroong karaoke player machine. Nag-ungulan na lang sila nang magsimulang tumugtog ang isang pamilyar na kanta na paboritong kantahin ni Scythe--Isang Linggong Pag-ibig.

Kinuha nito ang mic at nagsimulang gumiling-giling sa gitna habang yakap ang basket ng balut.

Lunes
Nang tayo'y magkakilala

"Damn," naiiling na bulalas ni Thorn.

Martes
Nang tayo'y muling nagkita

"Sana'y mag-brown out," ani Menace.

"May generator ang loft. Automatic na gagana ang generator kapag walang power mula sa main," tugon naman ni Qaid na tila nag-i-enjoy sa panonood kay Scythe na mukhang ewan.

Miyerkules
Nagtapat ka ng yong pag-ibig

"Akala ko ba si Zenith ang brokenhearted? Bakit ang isang 'yan ang nag-e-emo?" ani Venom.

"Hindi ako brokenhearted," mabilis na kontra ni Zenith.

Huwebes
Ay inibig din kita

"Puppy love niyang si Scythe si Imelda Papin," ani Omi.

"Si Imelda Papin ba? Akala ko si Sharon Cuneta," pakli ni Trace.

"Pareho kayong mali. Si Rosanna Roces," sabi ni Qaid.

Nagkatawanan sila.

Biyernes
Ay puno ng pagmamahalan
Mga puso natin ay sadyang nag-aawitan

The Untouchables Series Book 1 Zenith FujimoriTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon