bon appétit!🔞
"THANK you," nahipo ni Mariz ang key pendant na may maliliit na diamonds. Nahagip pa niya ng tingin ang pangalan ng luxury jewelry line sa labas ng box. Tiffany & Co. "Is this a bribe?"
Napansin niya kasing madalas siya nitong bigyan ng kung anu-ano sa tuwing may nagagawa itong kasalanan sa kanya.
"Bribe?" may kabuntot na maikling tawa ang palatak nito. "Of course not, sweetheart. Binili ko talaga 'yan para sa'yo. Ngayon lang ako nagkaroon ng chance na ibigay."
"Our supposed to be special dinner now becomes breakfast," may bahid-tampong sabi ni Mariz.
She didn't want to nag but a part of her was curious and well, suspicious. Anong klase bang trabaho ang pinagkaka-abalahan nito na inabot pa ito ng ganoong oras bago makauwi? And the fact that he looks fresh from the shower when she woke up made it look more suspicious. What kind of work does he do that it takes so much of his time even in an ungodly hour?
Inubos niya ang halos nangangalahati pang wine sa kanyang goblet. Pagkatapos ay tahimik siyang nag-slice ng cake. Napakarami niyang gustong itanong. But it was his birthday. Ayaw niyang sa espesyal na okasyong ipinagdiriwang nilang magkasama sa kauna-unahang pagkakataon ay magkakaroon sila ng pagtatalo.
But avoiding conflict doesn't resolve the issue, right? Because the truth of the matter is, it escalates when suspicions grew.
Napakagat-labi siya.
"Spill it."
Nag-angat siya ng tingin.
"I know you're dying to ask me something. Go ahead."
Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa.
"What took you so long? To my understanding you hold an executive position in your company. But what exactly is your job description? Normal na ba talaga sa trabaho mo ang abutin ka ng umaga? Because honestly, this makes me feel uncomfortable and suspicious. Trabaho ba talaga ang dahilan kaya nasa labas ka pa ng bahay sa ganitong oras? Kasi kung suma-sideline ka rin lang naman sa iba mas mabuti pang ngayon pa lang ay magkaalaman na tayo," nilakipan niya ng tapang ang kanyang boses.
Tinakpan ni Zenith ng isang kamay ang bibig. Pero bago nito nagawa iyon ay nakita na ni Mariz ang pigil na ngiti sa mga labi ng nobyo. Inirapan niya ito. May kislap ng amusement sa mga mata nito nang tumayo mula sa kinauupuan at lumapit sa kanya. Iniluhod nito ang isang tuhod at inabot ang mga kamay niya.
"I am part of a crisis management team," sabi nito sa banayad na pananalita na para bang maingat na hinihimay sa isip ang dapat nitong sabihin. "There will come a time that I will be sent to another country to do some troubleshooting. And yes, it's part of my job to stay out late most of the time. But no, wala akong sideline."
Inabot ni Mariz ang mukha ng nobyo at hinaplos ang pisngi nito. She saw the sincerity in his eyes. Ganoon pa man ay may pakiramdam siyang hindi iyon ang buong katotohanan ng totoong trabaho nito. Naisip na lang niya na minsan ay may mga confidential matters ang isang kompanya na hindi dapat ipaalam sa kahit na sino. At dapat niyang i-respeto iyon.
BINABASA MO ANG
The Untouchables Series Book 1 Zenith Fujimori
ActionSPG 18 "Paghalu-haluin man ang lahat ng alak sa mundo ay hindi ako malalasing, maliban sa mga labi mo." Zenith Fujimori