My Hero

21.9K 1.1K 273
                                    

HECTIC kaagad ang simula ng araw ni Mariz

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

HECTIC kaagad ang simula ng araw ni Mariz. She delivered a healthy baby girl to a first time mother. It was a normal delivery. After that, she walk her next patient to the OR, reassuring her that the procedure will improve her chances of conceiving. When lunch came, sabay silang nagtungo ng kaibigang si Graciela sa hospital cafeteria. Ni hindi na sila nakapagkuwentuhan ng kaibigan dahil sabay pa silang ipinatawag sa paging system. Her day went in a blur. Nang oras na para siya umuwi ay parang lantang gulay na naman ang beauty niya. Dumiretso na siya sa parking area at tinungo ang kinapaparadahan ng kanyang kotse. She opened the car door and slid inside her car. Sandali muna niyang ipinahinga ang sarili bago binuhay ang makina ng sasakyan. Natigilan siya. Her car won't start.

"Oh, shit. Of all days, huwag naman ngayon, please." Muli niyang inulit ang pagbuhay sa makina ng kanyang kotse. Ngunit wala pa rin. Naihampas niya ang dalawang kamay sa steering wheel. "Shit, shit, shit!"

She's tired and she badly wanted to go home. Pero ang kotse niya ngayon pa nagloko. Ang ayos-ayos pa nito nang gamitin niya kanina. Ano at bigla na naman itong sinumpong? Wala pa naman siyang kaalam-alam sa pagmemekaniko. Doktor lang siya ng tao pero pagdating sa sasakyan ay kasing-clueless siya ng isang bata.

Nababanas na bumaba na lamang siya ng sasakyan. Kagagaling lamang ng kotse niya sa pagamutan ng mga sasakyan pero may sakit na naman. Dapat yata ay ireklamo niya ito sa pagawaan.

She took out her phone and was about to book a ride when someone grabbed her from behind! Isang malakas na tili ang hindi nakaalpas sa bibig niya nang tutupin ng attacker niya ang kanyang bibig! Nagpipiglas siya. Sigurado siyang may guwardiyang naka-assign sa parking area at may CCTV rin doon. Someone's bound to see her and notice what was happening.

Nakaramdam siya ng panic nang magsimula ang attacker niya na hilahin siya. Malaya ang dalawang kamay niya at dalawang paa. Ginamit niya ang mga iyon para makapanlaban.

"Fuck!" narinig niyang mura ng lalaki nang matamaan niya ito ng kamao sa mukha. "You're a hellcat."

Huh? that was her brain's surprised reaction. Pero mabilis din niyang dinismiss ang bagay na iyon at muling nagpumiglas. She used her feet para apakan ang perp. 

Ngunit mahusay ito. Naiiwasan nito ang bawat apak niya. Para tuloy siyang nakikipag-tinikling. Bigla niyang iniatras ang kanyang ulo.

"Aw!"

Serves you right, asshole! saloob-loob niya. Hula niya ay napuruhan niya ito sa baba.

She reached up and tried to grab him from behind her. May nahawakan siyang tela. Hula niya ay nakasuot ito ng maskara.

"Settle down, lady. Or else..."

Namilog ang mga mata niya. Foreigner pa yata itong assailant niya. Pero kahit ito pa si Chris Evans o si Tom Hiddleston ay wala siyang pakialam. Lalaban siya hangga't magagawa niya. Sipa, suntok at piglas ang ginawa niya. Gusto na niyang pagtakhan na tila wala man lang nagagawing ibang tao sa bahaging iyon ng parking area gayong ang ibang empleyado ay uwian na.

The Untouchables Series Book 1 Zenith FujimoriTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon