THREE days na bedridden si Zenith. Ang buong akala niya ay na-infect lang ang sugat niya kaya pabalik-balik ang kanyang lagnat. Ngunit nang masamahan na iyon ng iba pang sintomas katulad ng pagsusuka ay naisip niyang may iba ng nangyayari sa katawan niya. Hapung-hapo ang pakiramdam niya at hindi halos siya makabangon para magpunta sa banyo. Sa ikaapat na araw na nakaratay siya ay nagsimulang maglitawan sa kanyang balat ang mga pulang rashes. Vengeance said it could be a sign of dengue.
Sa kagustuhang makasigurado ay dinala na siya ng mga kaibigan sa isang pribadong ospital. At hindi nga nagkamali ang sinabi ni Vengeance. Meron siyang dengue. Hindi siya makapaniwala na kung kelan siya tumanda ay saka pa siya dinapuan ng ganoong klase ng sakit.
Sa buong sandaling inaapoy siya ng lagnat ay gustong-gusto na niyang tawagan si Mariz at maglambing sa kasintahan. Ang problema ay paano niya maitatago rito ang sugat niya sa punong-braso? Alangan namang ikatwiran niya ritong na-ambush na naman siya. Kahit hindi na halos bumababa ang lagnat niya ay gusto na niyang itaktak ang ulo sa pag-iisip ng maidadahilan kung bakit madalang sila nitong makapag-usap sa mga nakalipas na araw. Dahil paano niya ba sasabihin dito na busy siya sa pagtugis ng mga kanser sa lipunan?
"Stop wracking your brains out and focus on getting better," ang naiiling na sabi sa kanya ng kaibigang si Callous.
Nakatingin ito sa cellphone nito at busy sa pagtipa roon ngunit kataka-takang napansin pa rin nito ang nangyayari sa kanya.
"Oo nga, siguradong maiintindihan ka rin ni Doc mo," ani Thorn. Kumuha ito ng isang kumpol ng ubas atsaka prenteng naupo sa sofa kung saan nagkakatipon ang mga ito.
Good thing he was staying in a VIP ward. Kahit magkakasabay ang mga ito sa pagbisita sa kanya ay walang maglilimita.
"Kapag hindi siya nakumbinsi sa mga paliwanag mo, sundin mo ang payo nitong si V," ani Scythe na ikinuwit ang hinlalaki sa direksyon ng nananahimik na si Vengeance.
"Which is...?" tanong ni Venom. Kumuha ito ng mansanas at ikiniskis sa gilid ng pantalon bago iyon kinagatan. Narinig pa nila ang malutong na ingay na nagmula sa pagkagat nito sa prutas.
"Kidnap her."
"Tsk, so V. Simpleng barbaric," komento ni Menace. "Pero baka nakakalimutan niyo, heneral ang tatay no'n."
"Not to mention, she punched like a pro," dugtong ni Trace.
"Tama," mabilis na sang-ayon ni Scythe sa sinabi ng huli. Pagkuwa'y lumapit ito sa tray ng prutas at kinuha roon ang isang piling ng lakatan. Pagkatapos ay naupo ito sa pang-isahang upuan at ipinatong ang pinag-ekis na mga binti sa center table sabay patong ng piling ng saging sa kandungan. Presto, para lamang itong nasa sariling bahay nang pumilas ng isa at magsimula iyong talupan at kainin.
Lahat ng magkakaibigan ay napatanga na lang sa ginawa nito.
"May peras at orange pa, o. Don't be shy, people, have some," tila isang napaka-hospitable host na sabi ni Scythe nang ituro nito ang tray ng prutas habang ngumunguya ng saging.
BINABASA MO ANG
The Untouchables Series Book 1 Zenith Fujimori
ActionSPG 18 "Paghalu-haluin man ang lahat ng alak sa mundo ay hindi ako malalasing, maliban sa mga labi mo." Zenith Fujimori