Chapter 7: Mainit na Gabi

3.5K 80 0
                                    

 George'S P.O.V.

"Troy, ako na muna ang bahala sa kanya", sabi ko kay Troy matapos kaming makabalik ng Maynila. Bumaba kami ni Sheryll ng van at pumasok na sa unit nya.

Nang makapasok na kami, inalalayan ko siyang umupo sa sofa. Hindi pa rin siya nagsasalita. Tulala... Alam ko kung gaano kasakit ang nararamdaman niya ngayon. Wilson ang kanya, Janine naman ang akin. Mahirap ang mawalan ng mahal sa buhay. Hindi mo alam kung ano ang mga gagawin mo kapag nangyari ito sa iyo.

Umupo ako sa tabi niya.

"George, hanggang ngayon, dama ko pa rin ang sakit ng pagkamatay ni Wilson."

Lumingon ako sa kanya. Naaawa ako sa kalagayan niya. Nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Hindi ko alam kung paano ko bibitbitin ang problema ko ngayon... Ngayon, pareho na tayong nawalan ng mahal. Ako, kay Wilson at ikaw kay Janine. Kagagawan lahat ito ni Cielo. . . . . . Mukha akong tanga ano? Andrama ko. . ha-ha... Pwede mo ba akong ikuha ng alak sa ref?"

Tumango ako at tumayo saka dumeretso ako sa ref para kumuha ng pinapakuha niya. Tama bang uminom kami? Sa pagkakaalam ko, lalong nakakadepress ang pag-inom ng alak eh. Pero yun ang gusto niya kaya wala akong magagawa.

Nung nakakuha na ako, inilapag ko yung dalawang bote sa mesang maliit na nasa harapan namin. Umupo ulit ako sa tabi niya at tinitigan siya nang malalim.

Hindi ko na ipagkakaila na uminom kami. Pabalik-balik ako sa ref. . . Nakadalawang bote yata siya. Lasing na lasing kami at mukhang mawawala ako sa sarili ko. Angsakit sa ulo ng pag inom ng alak pero mas masakit pa rin ang mga nangyayari ngayon.

Pinagmasdan ko sya habang nakapikit na nakaupo. Napakaganda ni Sheryll, hindi na ako magtataka kung bakit sya nagustuhan ni Wilson. Mabait pa at matalino pero ang mga pangyayaring gumugulo sa amin ngayon ang maaaring sumira sa aming relasyon bilang magkaibigan. Binuhat ko siya at dina;la sa kanyang kwarto.

Nung nailapag ko na siya sa kama, biglang umikot yung paningin ko. Nahihilo na yata ako. Nag-init din ang pakiramdam ko na animo'y daig pa ang nasa isang disyerto. Naguguluhan ako at hindi ako makapag-isip nang maayos. Lumapit ako sa kanya at pagapang na umakyat sa kama. Unti-unti kong nilalapit yung mukha ko sa mukha niya.

Ginagawa ko ito nang wala sa aking sarili. Siguro dahil pareho kaming malungkot kaya namin nagagawa ito. Epekto na rin siguro ng kalasingan yun.

Malapit na malapit na yung labi ko sa labi niya. Maghahalikan na kami.

Maya-maya pa, sinambit niya ang pangalan ng kanyang mahal: "W-wilson." at saka na namin ipinagpatuloy ang mainit na paghahalikan.


SHERYLL'S P.O.V.

Tinabing ko ng kamay yung sinag ng araw na natutok sa aking mukha kinaumagahan. Wala na sa tabi ko si George na marahil ay nauna nang umalis. Buti at nakaalis na sya dahil wala akong mukhang maihaharap sa kanya matapos ang nangyari kagabi.

Sana ay mapatawad ako ni Wilson sa nangyari sa amin. Hindi lang namin nakontrol ang aming mga emosyon dahil sa pagkalasing kaya nagawa namin ang bagay na iyon. Hay, bigla ko nanaman tuloy naalala ang yumao kong nobyo. Madali akong bumangon upang magbihis at magpahangin sa labas. Angganda ng panahon ngayon, at ayaw kong palipasin ito.

Napakaganda ng sikat ng araw, palagay ko'y hindi uulan ngayon. Minsan ko lang gawin ang paglalakad sa sidewalk, masarap pala sa pakiramdam. Andami mong makikitang nakakabusog sa mata. Sana ganito na lang lagi. Sana wala nang mangyaring masama at nakakatakot.

Buti na lang at may upuan dito kaya naupo muna ako. Nakakpagod ding maglakad-lakad. Pinanood ko lang ang mga nangdaraang sasakyan nang may tumabi sa aking babae na may hawak na dyaryo. Seryoso niya itong binabasa, kitang kita sa mga mata niya. Ang ngiti ko ay napalitan ng pagkabigla nang mabasa ko ang headline.

Sh*t. . . Nanlaki yung mga mata ko sa nabasa ko. Totoo ba ito? Bakit pati siya ay nadamay? Wala naman siyang kinalaman sa pagkamatay ni Cielo! Nais lang naman niyang tumulong. Nakakapangilabot. Wala na ngang iiwang buhay ang kaluluwa ni Cielo.

Muli akong tumingin sa mga nagdaraang sasakyan nang may dumaang Police Patrol Car. Kung hindi ako nagkakamali, si Alexander ang sakay nito. Mabilis akong tumayo at ngumiti.

Tatawagin ko sana siya ngunit bago pa man ako tumayo ay nagpagewang-gewang ang kanyang sinasakyan na parang lasing ang driver. Nabalot ng takot ang buong katawan ko kasabay ng pagtindig ng aking mga balahibo at ang masaya kong mukha ay napalitan ng pagkagulat.

Nagsigawan yung maraming tao nang bumangga ang sasakyan niya sa isang malaking truck.

"Alexander!"

Nadaganan ng truck ang sasakyan niya. Bumuhos ang maraming krudo sa kalsada na syang dahilan upang maghintuan ang mga sasakyan. Maraming nakakausyoso at kumuha ng litrato samantalang ako ay tulala pa rin sa naganap.

Maluha-luha akong tumakbo palapit sa pinangyarihan ng aksidente ngunit hinarang ako ng mga kalalakihan.

"Tumabi kayo sa daraanan ko! Kaibigan ko yung sakay ng Police car! Please!"

"Hindi po pwede miss, Flammable po yung nabanggang truck."

FLAMMABLE?

Ibig sabihin, maaaring sumabog yung dalawang sasakyan kapag nagkataon?

"Hindi. . . ."

Kaluluwa ni CieloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon