Chapter 23: Pagpanaw ng mga magulang
>SHEENA'S P.O.V.<
Ilang oras din ang itinagal ng byahe nang makarating kaming tatlo sa Pangasinan. Pagkababang-pagkababa namin ng bus, agad na lumapit si Tiya Isabel at niyakap si ate. Miss na siguro nila ang isa't-isa.
At matapos nilang magyakapan, mabilis na naglakad si ate Sheryll papasok ng bahay at pinagmasdan ang dalawang kabaong na naroon. Magkatabi ang mga ito.
Tumulo bigla yung mga luha ko. Hindi ko napigilan. Gayundin si ate. Umiyak siya sa harap ng dalawang ataul na iyon.
Maski ako ay hindi makapaniwala na sabay nawala ang aming mga magulang. Masakit ito para sa aming magkapatid...
Mula pa noong bata pa kami, sila ang nag-alaga at nag-aruga sa amin. Hinding-hindi nila kami pinababayaan. Naaalala ko pa noon, si tatay ang tagahatid namin sa eskwelahan habang si nanay naman yung tagasundo. Napakasaya ng aming pamilya. Nakakapanghinayang at maaga silang kinuha sa amin.
Wala pa ring pagbabago ang bahay. Second floor pa rin, ang mga pader ay gawa sa mga hollow blocks na hanggang ngayon ay hindi pa rin napalitadahan. Sa loob naman, isa lang ang napansin kong nabago. . . binalutan nila ng Wallpaper ang mga dingding kaya nagmukha siyang presentable.
********
GABI... Magkakasama kami nila ate Sheryll, Tiya Isabel, ako at ang pinsan ko pang babae na si Cindy. Si Cindy at Wendell ay magkapatid. Parehi silang anak ni Tiya Isabel.
Apat lang kaming naroon. Sina Wendell kasama ng iba pa naming pinsan ay nagluluto ng aming hapunan sa baba. May ilan din kaming kamag-anak na nagsusugal kasama ang ilan sa mga nakikiramay. Nasa second floor kami ng bahay. Nakasalampak sa sahig na sinapinan ng malaking banig. Nakabukas ang bintana kaya mula sa kinauupuan namin, kitang-kita ang bilug na bilog na buwan.
"Ilang araw na po silang patay?" tanong ko.
"Unang namatay si Sally." sagot naman ni Tiya Isabel. "Atake sa puso ang ikinamatay niya... Natatandaan ko pa, nadatnan lang namin siya na walang buhay sa sala ng bahay na ito. Wala ang tatay niyo nun dahil nasa bukid siya at naggagapas ng palay."
Napabuntung hininga na lamang si ate. Si Cindy naman na nagtitiklop ng mga damit sa tabi ng kabinet ay biglang lumingon sa amin at saka nagsalita:
"Pero alam niyo ba, na isang linggo pa bago siya mamatay, may mga sinasabi siya sa amin."
Tiningnan ko si Cindy. Saka lumingon naman ako kay Tiya Isabel. Tsaka kay Cindy ulit. "A-anong sinasabi niya?"
Nagpatuloy si Cindy sa pagsasalita. Nanahimik na lamang si Tiya Isabel habang si ate ay nananatiling nakikinig sa aming pag-uusap.
"May nakikita daw siyang babae. . . Nakaputi, tapos puro putik yung buong katawan niya... Minsan nga, mahirap paniwalaan yung mga sinasabi niya kasi may mga oras daw na muntik-muntikan na siyang saktan nito."
BINABASA MO ANG
Kaluluwa ni Cielo
TerrorSa kanyang pagkamatay nagsimula... Ang pangyayaring babago sa buhay ng mga sangkot... At kaganapang magbibigay ng hilakbot sa lahat... Sa trahedyang naganap, sino ang mananagot? Sino ang mapapahamak? Paano sila makakaligtas sa nagngangalit na paghih...