Chapter 31: Ang Bangkay Ni Elise
SHERYLL'S P.O.V.
Habang naglalakad sa mahabang pasilyo ng ospital,
Dorothy: "Paano kung siya nga yung nakita sa ilog Pasig?"
Ako: "Edi ibig sabihin, matagal na pala siyang patay?"
Dorothy: "Kaya nga eh, Natatakot ako Sheryll."
Ako: "Huwag kang matakot... Kaya natin to."
Dinala kami ng doktor sa kwarto kung saan nakalagay ang maraming bangkay. At sa isang sulok, nakapatong sa stretcher ang isang katawan ng babae.
"Siya ang babaeng natagpuang palutang-lutang sa ilog Pasig nitong umaga lang. Kilala niyo ba siya?"
Matapos tanggalin ng doktor ang nakapatong na kumot sa mukha, bigla na lang akong kinilabutan...
"Siya nga! Siya si Elise!" sabi ni Dorothy.
"Samahan mo ako ngayon sa Bulacan. Pupuntahan natin si Aling Miranda."
"Ngayon na?"
"Oo. Kailangan niya itong malaman!"
Agad kaming nagtungo sa bus station. Papasok na sana ako sa bus na naroon nang mapansin ko ang numerong nakalagay sa harapan nito.
911
Iyon yung numerong nakita ko sa aking panaginip!
"Hindi ka pa ba papasok?" sabi ni dorothy na siyang ikinagulat ko.
Hindi na lang ako sumagot... Umakyat ako at umupo sa tabi ng bintana.
"Kanina ka pa tulala Sheryll. May problema ba?"
"Lagi naman akong may problema eh."
"Alam ko, may gumugulo diyan sa isip mo, pero paano mawawala yan kung kikimkimin mo lang? Bakit hindi mo ilabas nang mabawasan ang bigat na nararanasan mo ngayon?"
"Sanay na ako sa ganito. Hayaan mo muna ako. Kaya ko na ang sarili ko."
"Ikaw na ang bahala. nasa iyo ang desisyon."
![](https://img.wattpad.com/cover/33197524-288-k596314.jpg)
BINABASA MO ANG
Kaluluwa ni Cielo
HorrorSa kanyang pagkamatay nagsimula... Ang pangyayaring babago sa buhay ng mga sangkot... At kaganapang magbibigay ng hilakbot sa lahat... Sa trahedyang naganap, sino ang mananagot? Sino ang mapapahamak? Paano sila makakaligtas sa nagngangalit na paghih...