GEORGE'S P.O.V.
Makalipas ang isang linggo, wala pa ring binabalita sa telebisyon tungkol kay Cielo. Buti naman at walang nakakita sa ginawa namin para magsumbong sa pulisya. . . Buti na lang talaga.
Marahan kong binuksan ang pinto ng aming bahay. Pasado alas otso na ng gabi ako nakauwi galing sa galaan. Gutum na gutom na ako at hinahanap na ng katawan ko ang kama. Grabeng lakad yun, halos nalibot ko na yung pinakamalaking mall sa bayan para lang mahanap yung tindahan ng cellphone na gusto ko.
Tulog na kaya sila mama? Pumasok ako ng bahay at tinanggal ang suot kong sapatos.
"Ma? Yuhoo?" Nasa taas nanaman si mama habang nanunuod ng paborito niyang telenobela sa kanyang kwarto. Lagi namang ganun tuwing uuwi ako eh. Sana naman kahit minan, magawa niya akong salubungin sa tuwing ako'y uuwi.
"Bakit?"
See? Imbes na bumaba para puntahan ako, nagtanong lang ng 'bakit'. Nakakatampo. "Nanonood nanaman kayo ng telenobela dyan. Kumain na po ba kayo?"
"Bakit?"
"Huh?" Nang-aasar nanaman itong si mama eh. Mapuntahan nga sa kwarto niya.
Tumayo ako mula sa kinauupuan at umakyat sa hagdan. Habang hinahakbang ko ang aking mga paa sa bawat baitang ng hagdan, unti-unti kong naririnig ang malakas na volume ng telebisyon. Sinilip ko ang kwarto niya sa bahagyang nakabukas na pinto. Sabi na eh, nanunuod lang sya. Nakatalikod siya sa pinto at nakaharap sa TV kaya di niya ako nakitang nakasilip.
Binuksan ko ang pinto upang gulatin siya pero paghakbang ko, isang boses mula sa baba ng bahay ang halos gumimbal sa akin.
"I'm home!"
Boses yun ni mama! Napahinto ako sa paghakbang at marahan akong naglakad patungo sa nakatalikod na babae. Sino ito?
Yung pakiramdam na nanlamig ang buong katawan tapos dama ko pa yung pagtindig ng mga balahibo ko. Kakalabitin ko na sana yung babae kaso bigla siyang humarap sa akin na lubos kong ikinabigla.
Kumaripas ako ng takbo pababa ng hagdan. Hindi ko na inalintana kung mahulog man ako o kung anong mangyari sa akin basta ang importante ay makalayo agad ako sa babaeng iyon.
"Oh? Anong nangyari sa iyo? Para kang nakakita ng multo." natatawang tanong ni mama habang nilalabas sa supot ang mga pinamiling prutas.
"W-Wala po ma." nangangatog yung tuhod ko kaya naupo na lang ako sa sofa. Hindi ko kayang tumayo. Pagod na pagod ako kahit na ilang baitang lang ng hagdan ang binabaan ko. Isama pa yung hingal ko na animo'y nakipag-unahan sa isang mabilis na kabayo.
SHERYLL'S P.O.V.
Ito ang isa sa mga araw na pinakahihintay ko... Ang Anniversary namin ni Wilson! Apat na taon nang matatag ang relasyon namin kaya't naisipan naming magdate para i-celebrate ang mahalagang araw na ito. Syempre hindi ko ito papalampasin dahil ito na siguro ang isa sa mga pinakamasaya at pinakamagandang araw sa buhay ko!
Naglakad-lakad kami sa mall maatapos mamili ng napakraming damit na regalo namin sa isa't isa. Buti naman at hindi nabutas ang bulsa ko dahil sa pinamili namin so far. Hay, napakaswerte ko talaga sa boyfriend ko. Loyal siya sa akin at ganun din ako sa kanya. Secrets? Meron, kaso kapag magsusurprise siya sa akin. I can't imagine how lucky I am to have him in my life.
Nang matapos na ang paglalakad namin, dinala niya ako sa paborito kong restaurant. Alam talaga niya kung paano ako mapapasaya. Pagkaasok, agad kaming humanap ng mesang makakainan.
"Babe, anong gusto mong kainin?" tanong niya sa akin habang tumitingin sa menu list.
"Bahala ka. Kung ano yung masarap. Dun ako." Nginitian ko siya at hinawakan niya yung kamay ko na nakapatong sa mesa. Oh My Gosh! Kinikilig nanaman ako! Sh*t! Napapamura ako ng di oras ah.
Tumayo siya at naglakad papunta sa counter para umorder ng makakain. Angsarap niyang pagmasdan. Though lagi kaming magkasama, pero hindi ako nagsasawang tingnan at titigan siya. Siguro pag nabuntis ako, siya ang paglilihian ko. Hihi.
Habang umoorder siya, may umupong babae sa tapat ng mesa namin. Hindi siya gaano katandaan pero mababakas sa kanyang mukha ang ilang taong pamamalagi niya sa mundo. Nakabestida siya ng itim na parang galing sa lamay, may dalang shoulder bag at nakasuot ng bakya. Medyo naweirdohan ako sa kanya pero nirespeto ko na lang. Ngumiti siya sa akin kaya ngumiti rin ako sa kanya. Nakakahiya naman kung ii-snob-in ko siya diba? Tapos tumalikod siya sa akin. Sino kaya yun? Feeling Close?
Antagal naman umorder ni Wilson. Tiningnan ko siya ulit... Hay, anggwapo talaga niya. Kaya ambilis niya akong napasagot eh. Lols. Pero bago pa man ako mawala sa sarili ko, narealize ko na kaya pala angtagal niya ay dahil mahaba yung pila. . .
Makalipas ang ilang saglit, muling humarap sa akin yung babae.
"Aaaaahhhhhhhh!!!!!" Itong napakalakas na sigaw na lang ang lumabas sa bibig ko. Hindi na siya ang babaeng nakaupo kanina! Puro putik na ang mukha niya at basang-basa siya! Nanlilisik yung mga mata niyang nakatitig na animo'y may matinding galit sa akin at magulo yung buhok. Nagbago yung damit niya. Naging Bestidang puti at p-p-p-pati yung mukha! Nagbago rin!
Hindi ko alam kung nagulat si Wilson sa sigaw ko. Bigla na lang siyang tumakbo sa tabi ko at niyakap niya ako! Nagtinginan din sa amin lahat ng tao. Wala akong pakialam kung magtinginan sila sa akin. Basta ang alam ko sa ngayon ay yakap-yakap ako ng boyfriend ko.
"Babe, what happened?"
Inikot ng paningin ko ang buong restaurant pero wala na ang babae sa katabing mesa. Maski ang mga putik na nasa sahig kanina ay wala na rin. Saan naman napunta yun? Anong nangyari? Paano biglang nawala? Andaming tanong ang nabuo sa isip ko nang mga oras na ito. Nanginginig nalang na kinuha ko yung isang basong tubig sa mesa at madaling ininom.
"W-Wala, nagulat lang ako sa nakita ko."
"Ano bang nakita mo?"
Bumulong ako sa kanya. "Si Cielo, nagpapakita sa akin. Babe, natatakot ako! Baka kung ano ang gawin niya sa akin"
"Let's Go. Hindi maganda kung magsstay pa tayo dito."
Tumango ako at tumayo. Hawak pa rin niya yung kamay ko. Teka, yung babae. Tumingin muli ako sa inupuan niya kanina pero wala talagang nakaupo. As in WALA. Luminga-linga ako sa loob ng restaurant pero hindi ko pa rin siya nakita. . .
BINABASA MO ANG
Kaluluwa ni Cielo
TerrorSa kanyang pagkamatay nagsimula... Ang pangyayaring babago sa buhay ng mga sangkot... At kaganapang magbibigay ng hilakbot sa lahat... Sa trahedyang naganap, sino ang mananagot? Sino ang mapapahamak? Paano sila makakaligtas sa nagngangalit na paghih...