Chapter 30: Mga Numero
November 13, 2013
SHERYLL's POINT OF VIEW
Wala akong makita! Napakadilim! Naka-off lahat ng ilaw at wala na akong lakas para tumayo pa at isindi iyon.. Naramdaman ko na lang na biglang bumukas ang pinto at may kamay na humaplos sa aking tyan... Hindi ko masyadong nakilala kung sino iyon dahil lumalabo na ang paningin ko at idagdag pa ang napakadilim na paligid!
Hindi rin nagtagal at nakarinig ako ng iyak ng isang sanggol! Sino ang pumasok sa kwarto ko!? Hindi ko alam kung bakit pero biglang huminto ang narinig kong iyak. Ipinikit ko ang aking mga mata dahil walang-wala na talaga akong lakas.
Hanggang sa narinig kong sumara yung pinto ng aking kwarto... Maya-maya pa, muli itong bumukas at yabag ng mga nagmamadaling paa ang huli kong narinig...
911....
NAGISING nanaman ako mula sa pagkakahimbing! Pagod na pagod ako at pinagpapawisan! Bakita ganoon? Ano ang ibig sabihin ng napanaginipan ko? Sino yung babaeng yun? Sino ang hawak niyang sanggol? Anong ibig sabihin ng mga numerong iyon?
May mga katanungan pa rin pala ako hanggang ngayon. Hindi pa rin talaga tapos ang mga nangyayaring kababalaghan.
Isang linggo na ang nakaraan matapos naming magapi si Beelzebub. Narito ako ngayon sa Ren Condominium kung saan kami nakatira ni Sheena.
Tumayo ako at dumeretso sa kusina pero habang naglalakad ako, napansin ko na mag-aalasais na ng umaga pero madilim pa rin sa labas. Bakit kaya? Tama naman yung relo namin. Hindi siya advance. Pero bakit ganoon? Dapat maliwanag na kapag ganitong oras eeh.
Ringgg!!! Ringgg!!! Ringgg!!!
Kinuha ko yung cellphone ko na nakapatong sa mesa.
"h-Hello, Dorothy. Bakit ka napatawag? May problema ba?"
"Buksan mo yung TV mo dali!"
Hindi na ako nagtanong pa, sa halip, kinuha ko yung remote at sinindi yung telebisyon.
Ibinabalita ngayon yung tungkol sa isang babaeng natagpuang patay sa ilog Pasig. May isang buwan na raw siyang patay. Ayon sa kanila,
Elise Natividad ang pangalan nung biktima...
T-teka, ELISE NATIVIDAD? Parang pamilyar sa akin yung pangalang yun ah... Tama! siya yung anak ni Aling Juana! Siya rin yung babaeng
naghatid sa amin patungo sa bahay ni Aling Miranda! Shit! Siguro kapangalan lang! Wala pa namang isang buwan matapos namin siya huling nakita!
Isang linggo pa nga lang ang nagdaan eh! Paano nangyari yun?
Hindi ko naman makita yung mukha ng babaeng yun kasi naka-blurred yung mukha sa telebisyon... Asar naman!
"Hello, Dorothy, andyan ka pa ba?"
"Oo. . . ano? Anong balak mo ngayon?"
"Samahan mo ako sa ospital kung saan dinala ang mga labi ng Elise Natividad na iyan! Gusto kong malaman kung tama ang hinala ko"
"Sige,"
Pumasok ako sa kwarto at ginising si Sheena.
"Ate, saan ka pupunta?"
"Sa ospital lang. Diyan sa may Pasig... Maiwan ka muna dito sa bahay ah, huwag kang magpapapasok na kahit sino."
"Sasama ako ate, hindi ako magpapaiwan dito. Kailangan kitang samahan."
"Hindi na. Kasama ko si Dorothy kaya walang mangyayaring masama sa akin."
"Basta ate, mag-iingat ka ah."
"Salamat."
Niyakap ko nang mahigpit ang kapatid ko bago ako umalis.
Nagkita kami ni Dorothy sa ospital kung saan dinala ang bangkay ni Elise.
BINABASA MO ANG
Kaluluwa ni Cielo
رعبSa kanyang pagkamatay nagsimula... Ang pangyayaring babago sa buhay ng mga sangkot... At kaganapang magbibigay ng hilakbot sa lahat... Sa trahedyang naganap, sino ang mananagot? Sino ang mapapahamak? Paano sila makakaligtas sa nagngangalit na paghih...