Chapter 9: Paghihiganti Ng Kaluluwang Galit

3.6K 75 2
                                    

 SHERYLL'S P.O.V.

Mag-isa pa rin akong nakahiga sa ospital. Naiinip, naghihintay at nag-aalala sa kung ano ba ang nangyayari sa pagtungo nila George sa abandonadong bahay ni Cielo. Bakit naman niya naisip na labanan ang isang masamang uri ng nilalang? Isa pa sa pinagtataka ko ay lang ako sa kwarto nang biglang tumunog yung phone ko sa mesang katabi ng kama.

"H-Hello, Sheryll. Narito na kami sa bahay nila Cielo." Buti naman at tumawag si George sa akin. Lubos na akong nag-aalala sa kung ano na ang kalagayan nila sa kanilang lakad. Batid kong paulit-ulit na lang laman ng aking isip ang pag-aalala ngunit wala akong magagawa upang tulungan ang mga kaibigan ko.

"Kanina pa kina kino-contact pero hindi ka sumasagot. Ano bang nangyari? Tsaka bakit kayo nariyan? Alam niyo ba na mapanganib diyan!?"

"W-Wala kang missed call dito sa phone ko. By the way, isa-isang tanong lang pwede. Kasama ko sina Troy at Aling Minda- ."

"Aling Minda?" Ano raw? Tama ba ang dinig ko? Kasama nila si Aling Miranda!? Hindi maaari. Maya-maya pa, biglang sumagi sa isip ko ang bagay na aking ikinatakot. Kaninang umaga, habang ako'y naglalakad sa sidewalk at umupo sa bench na naroon, may babaeng tumabi sa akin na may hawak na dyaryo. Sh*t! Sana mali ang hinala ko na si Aling Minda nga ang nasa headline na namatay kahapon! Pero hindi ako maaaring magkamali dahil ang larawang nakaimprenta sa dyaryo ay ang sunog niyang bahay.

Kung patay na si Aling Minda, sino yung kasama nila?

Diyos ko, dapat nila itong malaman! Naibalik lang ako sa katotohanan nang magsalita si George sa kabilang linya.

"B-Bakit?"

"Lumayo kayo kay Aling Minda!" Sh*t! Bakit ngayon pa nawalan ng signal! Gusto kong magtungo sa bahay ni Cielo upang masabihan sila at upang mailayo sila kay Aling Minda kung hindi nga siya yun. Ngunit paano ako aalis dito kung puno ng benda ang katawan ko? Paniguradong hindi ako hahayaang makalabas ng mga nurse.

Pero dahil sa buhay na ng mga kaibigan ko ang nakataya, hindi na ako dapat pang magpatumpik-tumpik! Tiniis ko ang sakit habang tinatanggal ko ang dextross sa aking kamay at matapos nito ay ang pagpilit na tumayo kahit na masakit at sariwa pa ang mga sugat. Madali akong nagbihis sa banyo at saka marahang lumabas ng room. Sa Fire Exit ako dapat dumaan para walang makakita sa akin.

Hindi rin nagtagal, nakalabas ako at nagtawag ng taxi ngunit walang humihinto. Malalim na ang gabi na sa hinuha ko ay nasa ika-alas onse na kaya wala masyadong nagdaraang sasakyan.


GEORGE'S P.O.V.

"Hindi ba kayo natatakot sa akin?" tanong ni Aling Minda na siyang naging dahilan upang lumingon kami ni Troy sa kanya. Anong problema niya? Bakit niya kami tinatakot ng ganito? Bakit niya ito tinanong?

"A-Aling Minda, ano pong ibig niyong sabihin?" ito lang ang tanging lumabas sa nanginginig na boses ni Troy.

Saglit na katahimikan ang pumailanlang sa aming paligid na sa hindi nagtagal ay binasag ng isang malakas na halakhak ni Aling Minda. Isang pagtawang nanunuot sa aking kalamnan na parang nagmula sa impyerno.

Napaatras na lang kaming dalawa.

"Kilala ko ang tawang iyan... Cielo. Kung ikaw ang sumanib kay Aling Minda, lubayan mo ang katawan niya!"

Hindi siya sumagot, bagkus ay nagbago ang kanyang itsura. Tama nga ang hinala ko... Naging puting bestida ang kanyang suot at gumulo ang buhok. Naging pula ang mga mata na sa unang tingin pa lang ay mahihinuha mo na ang galit na kanyang nararamdaman.

Kaluluwa ni CieloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon