Chapter 18: Ang Libing Ni Francine
>Sheena's Point Of View<
Ala-una ng tanghali nang magtungo ako sa ospital upang dalawin ang ate ko. Kumusta na kaya siya?
Pagpasok ko sa kwarto niya, isang babaeng nakaupo sa kama ang nadatnan ko. Nakaputi siya ng bestida at umiiyak. . . . . Umiiyak siya habang sinasabi ang pangalan ng isang lalake.
"Clark..."
Naawa ako sa kanya kaya agad ko siyang nilapitan at niyakap.
"Ate Sheryll, tahan ka na. Nandito na ako para samahan ka."
Niyakap din niya ako. "Hindi ko pa rin matanggap na iniwan ako nila Clark at Louie eh.."
"Ate, nandito naman ako ah. Alam mo na na hinding-hindi kita iiwan. Promise."
"Promise?"
"Promise ate".
"Salamat Sheena"
"Dito lang ako sa tabi mo. Heto nga pala yung binili kong prutas oh."
Inabot ko sa kanya yung mga naka-supot na saging, ponkan at mansanas.
"Napakaswerte ko dahil ikaw ang naging kapatid ko. Salamat ulit ah"
Nginitian ko siya at muling niyakap. Halos isang taon pa lang siya dito sa mental hospital pero parang nagiging maayos na ang kondisyon niya. Bumabalik na ulit siya sa normal. Mabuti naman kung ganoon para makasama ko na ang ate ko sa bahay.
Matapos naming magkwentuhan, nagpaalam na ako sa kanya dahil pupunta pa ako sa libing ni Francine. Naku! Heto nanaman yung nararamdaman kong kaba. Parang may nararamdaman akong hindi magandang mangyayari sa pagpunta ko doon.
XXX---XXX
Isang malaking tent ang inabutan kong nakatayo sa gitna ng sementeryo. Lahat ng tao ay pawang mga nakasuot ng kulay puting damit. Lahat sila ay nagdadalamhati sa kinahinatnan ng taong naging parte ng kani-kanilang mga buhay.
Marahan akong naglakad papalapit sa kabaong ni Francine. Tinitigan kong mabuti ang kanyang napakagandang mukha. . . Mukha na dati ay parating nakangiti pero ngayon, hay naku, hindi ko lubos ma-imagine ang nangyari sa kanya.
"Mabuti siyang kaibigan. Kawawa sya." bigkas ng isang boses mula sa likod ko.
Humarap ako sa kanya at isang dalagang kaedad ko lang ang tumambad sa akin. Siya ang isa pa sa mga kaibigan ko. . . si Aly Zamora. Kagaya ni Francine, malapit din ang loob ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Kaluluwa ni Cielo
HorrorSa kanyang pagkamatay nagsimula... Ang pangyayaring babago sa buhay ng mga sangkot... At kaganapang magbibigay ng hilakbot sa lahat... Sa trahedyang naganap, sino ang mananagot? Sino ang mapapahamak? Paano sila makakaligtas sa nagngangalit na paghih...