Chapter 29: Pagpanaw ni Aly
SHERYLL'S Point Of View
"TAKBO!!", sigaw ni Aly. Nagtakbuhan silang apat samantalang ako naman ay nanatiling nakatayo. Hindi ko maipaliwanag kung bakit biglang nanamlay ang mga paa ko. Napako ako sa kinatatayuan ko at hindi ako makagalaw! Sh*t! Anong gagawin ko!?
Nakatitig sa akin ang nilalang na may sungay. "Sa palagay mo ba ay matatakasan mo ang kasalanang ginawa niyo sa akin?"
Nakakatakot ang boses niya! Boses na galing sa ilalim ng lupa! Nakakatakot! Nakakapanindig-balahibo!
Bakit ayaw gumalaw ng mga paa ko? Ano ba yan?
"Natatakot ka ba HA!? Sheryll!"
"K-Kahit kailan, hinding-hindi ako matatakot sa isang katulad mo!"
Kitang-kita ng dalawang mata ko ang pagsiklab ng apoy sa kanyang likod na naging sanhi upang masunog ang mga puno.
"So, yan lang ba ang ipinagyayabang mo?" Pinipilit kong maging matapang para hindi ako magmukhang kawawa! Sana gumana!
"Sheryll!", biglang sigaw naman ni Dorothy habang tumatakbo palapit sa akin.
Niyakap niya ako ng mahigpit. "Bilisan na nating tumakbo! Mabilis lumaki ang apoy!" Sabi ko.
Muli kong tiningnan yung dyablo pero wala na siya sa kinatatayuan nya! Isinindi ko yung hawak kong flashlight. Hindi ko na alam kung nasaan yung isa. Sana nakay Sheena yun at ligtas sila! Hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kapatid ko!
Sabay kaming tumakbo palayo hanggang sa makarating kami sa van.
"Oh! Andito na tayo! Nakita mo ba sina Sheena? Akala ko ay narito na sila?"
"H-Hindi ko sila nakita! Babalik pa ba tayo? Lumalakas na ang apoy! Marami nang nasusunog na puno!"- Dorothy.
Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko! Kailangan kong mahanap si Sheena!
Tatakbo na sana ako nang biglang hinila ni Dorothy yung braso ko. "Saan ka pupunta? Mapanganib kung susuong ka sa nasusunog na kagubatan!? Hindi ka ba nag-iisip ha?"
"Wala na akong ibang maisip! Kailangan kong iligtas yung kapatid ko!"
Binitiwan ni Dorothy yung braso ako at saka siya pumasok sa loob ng van. "Maghintay ka diyan... Kung gusto mo, sasamahan na lang kitang hanapin sina Sheena. Kukunin ko lang yung rosaryo ko baka sakaling makatulong sa atin." Samantalang ako ay nakatayo lamang dito sa tabi ng van.
Ilang minuto rin siyang naghalungkat sa loob ng van nang bigla na lamang sumara ang mga pinto nito!
"Sheryll! Tulong!", sigaw niya.
"Dorothy!", pinilit kong buksan yung pinto ng van kaso mahirap talagang buksan! Nakakulong siya ngayon dun sa loob!
"WALA NA KAYONG TAKAS!" sigaw bigla ng isang boses mula sa likod ko. Matapos nito, may humawak sa leeg ko at saka ako inihagis ng malakas!
Bumagsak ako sa lupa... Tsaka naramdaman ko nanaman na may bumuhat sa akin at ibinalibag akong muli!
"Ah-", napakasakit ng buong katawan ko matapos akong ihagis at bumagsak ng ilang beses. Pinilit kong tumayo ngunit hindi ko magawa dahil
wala na akong lakas! Nakahiga ako ngayon sa lupa habang pinagmamasdan ang ang dyablong si Beelzebub na naglalakad palapit sa akin.
"T-tulong..." pinilit kong sumigaw pero walang lumalabas na tunog mula sa bibig ko... Nahihirapan din akong magsalita.
"KAGAYA NG MGA KAIBIGAN MO, MAMAMATAY KA DIN!!"
Isang bolang apoy ang nabuo mula sa kanyang palad... Itinutok niya sa akin at papatamaan niya ako... Alam ko na katapusan ko na... Hindi na ako makakatakbo pa...
"Mauuna ka muna bago siya!!!", narinig ko ang boses ni Dorothy habang lumalapit sa akin hawak ang rosaryo. Itinutok niya iyon kay Beelzebub.
"AHHHHHHHHH!!", umuusok ang buong katawan nito! Mukhang hindi niya kaya ang kapangyarihan ng rosaryong dala ni Dorothy!
"Ano ka ngayon!"--Dorothy.
"HINDI PA TAYO TAPOS!!", matapos bigkasin ni Beelzebub ang mga katagang iyon, bigla siyang naging abo!
"S-salamat..." yun lang ang tangi kong nabigkas bago ako mawalan ng malay...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Nagising na lang ako na nakahiga sa kama. Bumangon ako at tiningnan ang buong paligid.
Nasa ospital ako... Ako lang mag-isa ang nasa kwarto. Iisang lampshade ang nakatayo sa mesang katabi ng kamang hinihigaan ko. Paano ako nakarating dito? Sino ang nagdala sa akin sa lugar na ito?
"Okay na ang kondisyon niya. Kailangan lang niya ng pahinga."
Boses ni Dorothy yung narinig kong nagsasalita sa labas ng kwarto. Bumukas ang pinto at pumasok sina Dorothy at Sheena.
"Ate, buti naman at maayos na ang kalagayan mo." Lumapit siya sa akin at saka ako niyakap.
"Kaya nga eh. Mabuti rin naman at nakaligtas ka."
Ngumiti siya pero saglit lang.. "B-bakit Sheena? May problema ba?"
"S-Si Aly po kasi, p-patay na siya."
Nakakalungkot naman, pati si Aly na walang kinalaman ay namatay. Napakasama talaga ng dyablong yun! Buti nga sa kanya at wala na siya.
Hindi na siguro siya makakabalik dito sa lupa. Sana nga.... Sana nga...
Marami na akong pinagdaanang hirap. Noong una, gusto ko nang sumuko pero hindi ko ginawa. Alam ko kasi na magiging maayos din ang lahat pagkatapos nito.
Gusto kong magdiwang dahil natalo namin si Beelzebub ngunit hindi pa rin ako pinatatahimik ng isip ko. Laging parang may kulang... Parang may hindi pa ako nagagawa...
BINABASA MO ANG
Kaluluwa ni Cielo
HorrorSa kanyang pagkamatay nagsimula... Ang pangyayaring babago sa buhay ng mga sangkot... At kaganapang magbibigay ng hilakbot sa lahat... Sa trahedyang naganap, sino ang mananagot? Sino ang mapapahamak? Paano sila makakaligtas sa nagngangalit na paghih...