Tinawagan ko ang buong barkada upang makipagkita sa REN Cafeteria. Malalim na ang gabi at lalo pang lumakas ang ulan, kidlat at kulog. Hindi ko alam kung bakit pero ayon sa balita, wala namang bagyo. Mukhang nagalit ang langit sa ginawa ko kay Cielo.
Janine Buenvinida. (20) Ang pinakamaganda sa aming magkakaibigan. Kursunada ko na sya dati pa hindi lang dahil dun kundi dahil sa kabaitan niya.
Troy Villamer. (21) Bestfriend ko.
Wilson Arreola. (23) Pinakamaangas sa lahat. May itsura kaya't parating habulin ng chicks.
Sheryll Galvez. (21) Girlfriend ni Wilson.
Nakaupo kami sa bilog na mesa. Magkakatabi kami depende sa pagkakasunud-sunod ng pagpapakilala ko sa kanila. Ako, si Janine, Troy, Wilson at Sheryll. Tapos ako ulit, then, sunod si Janine. . . .
"Ano bang problema? Bakit mo kami pinatawag?" Naiinis na panimulang tanong ni Wilson "Matutulog na sana kasi ako nang biglang nagring yung phone ko. Istorbo ka talaga kahit kelan!"
"So ginaganyan mo na ako ngayon!? Masama bang humingi ng tulong sa mga kaibigan ko?" Ito ang angmga salitang lumabas sa bibig ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko tuloy mawari kung kaibigan ba talaga ang turing niya sa akin.
"Oh! Tama na mga pre! Proceed." sabad naman ni Troy. You're my bestfriend and hero talaga tol!
Pasigaw namang nagsalit si Sheryll, medyo nakakahiya sa mga kasama namin sa REN Cafeteria kasi kami lang yung pinakamaingay. "Ano ba guys! Narito tayo para tulungan yung kaibigan natin hindi para mag-away-away! Nakakahiya naman sa mga tao dito!"
Lumingon naman sa akin si Janine sabay sabing: "I guess she's right. Ano ba kasing problema mo? Buti na lang gising pa ako bago ka magtext. Gosh, I hate unexpected things."
Parang may isang anghel na nagdaan sa gitna namin na nagpatahimik sa nagngangalit na bibig ng mga kasama ko. "G-Ganito kasi iyon. . . Ibubulong ko ah" (Nagtabi-tabi yung mga ulo namin sa gitna ng mesa.) "Patay na si Cielo"
"Ah!? Ano? Totoo ba iyan? Hindi magandang biro iyan George!"
Ito talaga si Sheryll, kahit kelan, anglakas ng bibig! Sana may dala akong plaster at nang maitapal ko sa bunganga niya. Joke lang! Lagot ako kay Wilson.
"Totoo yun! Hindi ako nagsisinungaling! Nag-away kasi kami at yun. Tumalon siya mula sa itaas ng tenth floor buliding"
Lumingon ulit sa akin si Janine. Pangalawang beses na iyan ah! But this time, seryoso.
"So, bakit mo kami pinatawag?" tanong ni Wilson matapos humigop ng mainit na kapeng barako. "Idadamay mo ba kami diyan sa kalokohan mo?"
"Eh ano naman ngayon kung madadamay tayo? Ganyan naman ang magkakaibigan diba? Nagtutulungan? Nagdadamayan?" Thank you Lord at nagkaroon ako ng kaibigang gaya ni Troy na lagi akong naiintindihan!
Nagtitigan kaming anim...
***********************************************************************************
Lumabas kami ng cafeteria at nagtungo sa likod ng building kung saan nakahandusay ang bangkay ni Cielo. At dahil malalim na ang gabi at malakas ang ulan, wala nang tao sa paligid.
Napatakip na lamang sila ng bibig sa nakita. Bali-bali ang buto niya. Yung mga paa niya, nakatabi sa ulo. Yung mga kamay, nakabaliktad. Ang mga mata niya'ay nakabuka at waring nakatitig sa amin.
Nakakapanlumo.
Binuhat ko siya sa tulong nila Wilson and Troy. Sina Sheryll at Janine naman ay nagsilbing mga look-out namin kung may taong nakakakita sa amin o wala.
Isang senaryong puno ng kadiliman na bumabalot sa kaibuturan ng aming mga katawan ang kasalukuyang nagaganap. Ang imahe ng magkakaibigang napapaligiran ng putikan ay siyang masisilayan sa bawat minuto at segundong nagdaraan. Lalo pang lumakas ang mga kulog at kidlat at nagbabadya ang isang malakas na ulan.
Wilson: "Saan ba natin siya dadalhin?"
Ako: "Kahit saan. Kahit sa sementeryo. Itapon natin siya doon tapos ibaon."
Troy: "Sure kayo? Paano kung magmulto sa atin iyan?"
Ako: "Gago ka ba dre? Hindi yun totoo! Walang multo!"
Troy: "Malayo pa ba yung sementeryo? Nakakapagod magbuhat eh. Nangangawit na ako"
Wilson: "Bakit hindi na lang kasi natin i-turn over sa police tong nangyari?"
Ako: "Gago ka ba? Paano kung makulong tayo? Natatakot akong makulong! May mga pangarap pa akong dapat gawin no!"
Troy: "Hindi ka talaga nag-iisip Wilson. Ayoko nga sanang tumulong dito kay George eh. Gusto kong magsumbong sa mga pulis kaso huli na. Damay na ako sa kung ano mang ginawa natin ngayon"
Basang basa ang mga katawan namin at tila hindi namin ito alintana maidala lamang ang bangkay sa liblib na bahagi ng sementeryo. Ang mga damit ay tila sumisimbolo sa narumihan naming pagkatao.
Hindi rin nagtagal at nakarating na kami sa sementeryo. Naghanap agad kami ng hukay upang doon mailagay ang bangkay ni Cielo. Napakaputik sa lugar na iyon at walang ilaw na pwedeng gumabay sa amin maliban sa liwanag na nanggagaling sa bilog na buwan.
Isang hukay na may lalim na humigit-kumulang sa isang metro ang nakita namin sa di kalayuan. Dito namin itinapon ang kanyang bangkay at tulung-tulong na tinabunan ng mga putik at bato. Hanggang sa lalo pang lumakas ang ulan.
Nakikita kong tumutulo na ang mga luha ng mga kasama naming babae dahil hindi nila kinakaya ang makakita ng ganung scenario.
Ako: "Guys, huwag sanang makalabas ang mga ito ah. Atin-atin lang"
Wilson: "Alam niyo naman siguro ang mangyayari sa atin kapag may nakaalam nito hindi ba?"
Troy: "Yari tayo pag nagkataon"
Sheryll: "Makakaasa kayo sa akin. Takot din akong makulong eh"
Janine: "Mas lalo naman ako."
Ito na ang huli naming pagkikita-kita nitong linggong ito.
BINABASA MO ANG
Kaluluwa ni Cielo
TerrorSa kanyang pagkamatay nagsimula... Ang pangyayaring babago sa buhay ng mga sangkot... At kaganapang magbibigay ng hilakbot sa lahat... Sa trahedyang naganap, sino ang mananagot? Sino ang mapapahamak? Paano sila makakaligtas sa nagngangalit na paghih...