SHERYLL'S P.O.V.
"Janine! Ano ba! Tinatakot mo ako"
"Ay! Sorry Friend! Sorry late Reply!"
Buti naman at sumagot na itong babaeng ito! Halos himatayin na ako sa takot at kaba dahil sa hindi niya pagsagot sa akin. Ngunit laking pasasalamat ko pa rin dahil walang nangyaring hindi maganda. Hawak ko na lang ang dibdib ko habang dinadama ang bilis ng pagtibok nito.
"Sus! Ano ka ba? Bakit hindi ka kaagad sumagot?"
"W-Wala... Sige, patapos na ako. Antayin mo na lang ako diyan sa labas."
"Oo na, bilisan mo diyan at lumalamig na yung hapunan."
Muli akong nagtungo sa kusina at umupo upang ihainan ng kanin ang aking sarili nang biglang isang malakas na kalabog mula sa banyo ang pumukaw ng atensyon ko. Mukhang may bumagsak!
Tumayo ulit ako pero napahinto ako nang marinig ko ang tili ni Janine. Binilisan ko ang pagtakbo ko patungo sa banyo waring nakikipag unahan sa bilis ng tibok ng pusok ko. At dahil sa pagkataranta, hindi ko malinaw na napakinggan ang huli niyang binigkas bago ko buksan ang pinto ng banyo. Hindi ko na rin naisip pa kung bakit di naka-lock ang pinto.
Gulat, takot, kaba, hilakbot basta! Hindi ko alam kung anong naramdaman ko. Halo-halo ang emosyon na nararamdaman ko sa ngayon! Naramdaman ko ang pagtagaktak ng malamig kong pawis at ang panginginig ng mga mata ko dahil sa tumambad sa akin.
Nakarehistro sa aking mga mata ang nakahandusay na bangkay ni Janine na mulat ang mga mata at nakabuka ang bibig! Marahil ay dahil sa gulat niya bago mawalan ng buhay. Puno ng sariwa at pulang dugo ang buong sahig dahil sa biyak sa kanyang ulo. Teka, utak ba niya yung... Shit!
Nakita ko na lang ang sarili ko na nasa loob ng presinto. Kaharap ko ngayon si PO1 Alexander 'Alex' Cruz na hawak ang isang papel na marahil ay tungkol sa imbestigasyon kaugnay ng pagkamatay ni Janine.
Hindi na siya bago sa paningin ko. Isa siya sa mga dating kaibigan nila George, Wilson at Troy. Napahiwalay lang siya dahil sa kinuha niyang kurso na dahilan upang mawalan kami ng kontak sa kanya, kaya nabigla rin ako nang makita ko siya sa istasyon ng mga pulis.
"Miss, ano pong pangalan?" seryosong tanong niya sa akin.
"Sheryll Galvez. Pwede ba? Kilala mo naman ako diba?" ano ba naman tong taong ito? Parang hindi niya ako kilala ah! At nginitian lang niya ako. Hindi ba niya alam na seryoso ang kasong hinahawakan niya? Kaibigan ko yung namatay!
"Ayon sa binitiwan mong salaysay, alas-nuebe kwarenta'y singko ng gabi naganap ang insidente. At sabi mo pa, kayong dalawa lang ang naroon sa loob ng unit na iyon."
"T-Totoo yun," muling tumulo ang luha ko matapos manumbalik sa aking isip ang nakalulunos na itsura ni Janine.
May binasa siya sa papel na hawak. "Ayon dito, wala naman kayong away kaya wala kang dahilan upang patayin siya"
Tumayo ako sa pagkabigla at humarap sa kanya. "Inaakusahan niyo ba ako na pinatay ko siya? Bestfriend ko si Janine at hinding-hindi ko kayang gawin iyon sa kanya!" Nakakapang-init naman ng ulo.
"Sheryll, huminahon ka. Hindi kita inaakusahan tungkol sa bagay na iyon. Nililinaw ko lang ang ginawang imbestigasyon ng SOCO."
"Please, ayusin naman ninyo ang imbestigasyon!"
"Ginagawa naman ng pulisya ang lahat. . . Huwag kang mag-alala, ipinapangako ko na matutukoy namin ang pumatay sa kanya"
"P-Pumatay sa kanya?" nagtataka at marahan kong tanong. Sino naman ang gagawa nun? Imposible namang may makapasok sa unit noong gabing iyon. Naka-lock ang pinto at sarado lahat ng bintana. Isa lang talaga ang hinala ko.
*FLASHBACK*
"Janine! Ano ba! Tinatakot mo ako"
"Ay! Sorry Friend! Sorry late Reply!"
"Sus! Ano ka ba? Bakit hindi ka kaagad sumagot?"
"W-Wala... Sige, patapos na ako. Antayin mo na lang ako diyan sa labas."
"Oo na, bilisan mo diyan at lumalamig na yung hapunan."
Muli akong nagtungo sa kusina at umupo upang ihainan ng kanin ang aking sarili nang biglang isang malakas na kalabog mula sa banyo ang pumukaw ng atensyon ko. Mukhang may bumagsak!
Tumayo ulit ako pero napahinto ako nang marinig ko ang tili ni Janine. Binilisan ko ang pagtakbo ko patungo sa banyo waring nakikipag unahan sa bilis ng tibok ng pusok ko. At dahil sa pagkataranta, hindi ko malinaw na napakinggan ang huli niyang binigkas bago ko buksan ang pinto ng banyo.
Hindi ako pwedeng magkamali sa narinig ko! Pangalan ng tao ang sinabi niya...
At yung pangalang iyon. . . .
Malinaw na sa isipan ko. . .
"CIELO"
BINABASA MO ANG
Kaluluwa ni Cielo
رعبSa kanyang pagkamatay nagsimula... Ang pangyayaring babago sa buhay ng mga sangkot... At kaganapang magbibigay ng hilakbot sa lahat... Sa trahedyang naganap, sino ang mananagot? Sino ang mapapahamak? Paano sila makakaligtas sa nagngangalit na paghih...