Chapter 24: Muling Pagpaparamdam
>SHEENA'S P.O.V.<
October 29, 2013
KINABUKASAN, dumating silang dalawa kasama ni Ate Dorothy. Sumabay na rin siya matapos mabalitaan ang nangyari. Namiss ko din itong si ate Dorothy. Bakit kaya ngayon lang ulit siya nagpakita? Ano kayang pinagkakaabalahan niya?
Huli ko siyang nakita noong unang araw ng labas ni ate Sheryll ng ospital. Naaalala niyo pa ba yun?
Niyakap ko ng mahigpit si Aly kasi siya lang naman ang bestfriend ko nung nasa Maynila pa ako eh.
"Pipigilan ko sana kayong pumunta dito kaso nagpumilit kayo eh." sabi ko sa kanya matapos akong bumitaw sa pagkakayakap.
"Alam mo naman best, kahit na anong pigil ang gawin mo sa amin, basta't para sayo, gagawin at gagawin namin. Diba Frank?" sabay lingon kay Frank.
"ah-eh.. Oo. Oo." sabay ngiti.
Pinatuloy ko sila sa loob ng bahay at pinaupo sa upuang yari sa narra.
"Cindy, pwede mo ba silang maihanda ng maiinumin?"
"O sige.", tugon niya.
"Salamat."
Lumingon ako kay Aly. "Salamat din."
"B-bakit naman?" naguguluhan niyang tanong.
"Sa lahat. Basta. Alam mo na yun."
"Ikaw talaga Sheena."
Si Frank naman ay tahimik na pinagmamasdan ang buong bahay.
"Bakit Frank? May napapansin ka ba sa bahay namin?" tanong ko sa kanya.
"W-Wala naman. Taga-rito ka pala." tugon naman niya. Alam kong hindi yun ang gusto niyang sabihin. Halata sa itsura niya na parang may nakikita siyang mali sa bahay namin. Parang may nakikita siya na hindi namin nakikita...
Sabay kaming tumayo sa aming kinauupuan at pinagmasdan ang aking mga magulang na nakahiga sa kani-kanilang mga kabaong.
"Sayang best, hindi ko man lang sila nakausap." sabi ni Aly.
"Kaya nga eh. Kung pwede lang na mabuhay sila kahit saglit para lang makausap ka edi sana..."
"Ikaw talaga. Nagawa mo pang magbiro sa lagay na yan ah." sabi na lang ni Aly sa akin.
Ngumiti na lang ako kahit na napipilitan. Ikaw ba naman, magagawa mo bang ngumiti sa harap ng mga yumao mong magulang?
Nagpatuloy ako sa aking pagsasalita: "Hindi ka man lang nila naalala. Siguro, kung buhay pa sila hanggang ngayon, tyak na matutuwa sila at nagkaroon ako ng bestfriend na kagaya mo."
Ngumiti rin si Aly at saka ako niyakap ng mahigpit. "Syanga pala Sheena, hindi mo ba kakausapin si Frank? Ayun siya oh. Nakatayo sa labas." sabay turo sa kinatatayuan nito. Nakikita namin siya sa mula sa nakabukas na bintana.
Ah, hindi ko pala napansin na lumabas siya ng bahay. "Sige", iniwan ko saglit si Aly at saka ako sumunod kay Frank sa labas...
Walo lang kaming naroon sa may bahay: Ako, si Ate Sheryll, Si Wendell, Cindy, ate Dorothy, Tita Isabel, Aly at Frank. Hindi pa dumarating yung mga magsusugal mamayang gabi kaya napakatahimik ng bahay. Sina At Sheryll at Dorothy ay magkausap, si Cindy, Wendell at Tita Isabel ay nagluluto ng aming tanghalian.
"Frank,", tawag ko sa kanya habang naglalakad palapit sa kinatatayuan niya.
"Uhm, n-nandyan ka pala. K-Kumusta?" Tumalikod siya at humarap sa akin.
"Heto, medyo okay naman. Ikaw?"
"Ayos lang din,"
Angboring naman kausap nitong taong 'to. Kung ganito na lang lagi ang mga lumalabas sa bibig namin, malamang na walang patutunguhan 'tong isapang ito!
"Sheena"
"Bakit?"
"M-May itatanong ako sayo." Lumapit siya sa akin.
"Anong tanong naman yun Frank?"
Seryoso yung mukha niya. "Bakit ganun makatingin yung isa niyong kamag-anak sa akin? Tsaka bakit ganun yung itsura nun? May sira ba ulo nun?"
Hindi ko maintindihan yung mga pinagsasasabi niya sa akin. Kamag-anak? May sira sa ulo? Di ko gets...
"Sinong kamag-anak? Si Cindy, Wendell o Tiya Isabel?"
"Hindi sila... Yung nakatayo kanina sa gilid ng pader sa may sala. Babae siya."
"Sinong babae naman yun? Anong itsura niya?"
"Nakaputi ng bestida, puro putik, magulo yung buhok,. . Basta, para siyang hindi normal na tao. Parang galing ng mental."
"Sh*t! Frank, huwag mo na ulit kakausapin yung babaeng yun ah! AT higit sa lahat, wag na wag mo syang papansinin ah!" Sa description niya, alam ko na si Cielo ang tinutukoy niyang babae. Kaya pala mukha siyang hindi mapakali kanina nung pagdating nila dito.
"Bakit hindi ko dapat kausapin? Kamag-anak niyo nam-"
"Hindi namin siya kaanu-ano! Basta, sundin mo na lang yung mga sinasabi ko sayo kung ayaw mong matulad kina nanay!"
"Bakit? anong sinasabi mong matulad? Anggulo mong kausap Sheena!"
Lalakad na sana ako palayo nang bigla kaming nakarinig ng isang boses: "Si Cielo yung nakita mo Frank. Kaibigan ko."
BINABASA MO ANG
Kaluluwa ni Cielo
HorrorSa kanyang pagkamatay nagsimula... Ang pangyayaring babago sa buhay ng mga sangkot... At kaganapang magbibigay ng hilakbot sa lahat... Sa trahedyang naganap, sino ang mananagot? Sino ang mapapahamak? Paano sila makakaligtas sa nagngangalit na paghih...