Chapter 13: Pagbabalik

2.8K 62 0
                                    

Chapter 13: Pagbabalik Ni George

"Doc, kumusta na po ang asawa ko?" tanong ko sa doktor matapos nitong lumabas galing ng kwarto kung saan naka-confine si Clark.

"He's on a good condition right now. Hintayin niyo na lang na gumising siya"

"Salamat po"

Lumuwag yung paghinga ko dun sa ibinalita ng doktor sa akin.

"Ma'am gusto niyo po ba ng makakain? Bibili po ako sa labas", wika ni Dorothy.

"Hindi ko kayang kumain sa ngayon"

"Pero paano po si baby Louie? Kanina pa po kayo gutom. Hindi pa po kayo kumakain!"

"S-Sige na nga. Samahan mo na lang akong kumain. Hindi ko gustong makitang nasa ganoong kondisyon si Clark."

Nagpunta kaming dalawa sa restaurant na katabi lang ng ospital.

Usap-usapan yung nangyari kanina kay Clark. Ayon sa mga nakausap ko kanina, bago siya tumawid, sumigaw muna siya ng "Miss". Tapos may itinulak daw siya pero wala namang kahit na anong naroon sa gitna ng kalsada.

So, anong ibig sabihin nun? Nababaliw na siya? NO! NO! NO!

EH, kung hindi, ano nga? Nalilito na ako ah! Mas mabuti pa kung kausapin ko siya mamaya.

"Ma'am kanina pa po kayo nakatulala. May problema ho ba ulit?"

"Wala yun." Tinitigan ko si Dorothy ng seryoso. "Salamat ah"

"Salamat po sa alin?" Nagtataka siya sa sinabi ko.

"Salamat sa lahat ng naitulong mo sa akin. Hindi mo ako iniwan kahit mukha akong baliw dahil sa mga nangyayari sa buhay ko."

"Ma'am wag naman po kayong ganyan. Naiiyak na po ako"

"Ngayon lang ako nakatagpo ng taong gaya mo. Alam mo, hindi lang kasambahay ang turing ko sa iyo. Kaibigan na. . . . Isang matalik na kaibigan. Kaya wag mo na akong tatawaging ma'am. Ate Sheryll na lang ang itawag mo"

"Ma'am naman. . . este, Ate naman. . . Hindi po ako sanay na tawagin kayong ma'am."

"Bahala ka, hindi ka sasahod ng limang buwan kapag hindi ka pumayag sa gusto ko." Syempre biro lang yun,.

"Sige na nga po. . . . Ate"

Ngumiti ako sa kanya.

DOROTHY'S P.O.V.

Nakakatouch naman yung sinabi ni ma'am kanina sa akin. Masaya ako dahil kaibigan pala ang turing niya sa akin. Haha!

Nang matapos kaming kumain, lumabas kami ng restaurant upang magtungo na sa ospital. Habang naglalakad kami, isang van ang huminto sa tapat namin at may tatlong lalakeng lumabas.

Masama ang kutob ko sa mga ito ah. Parang may hindi magandang gagawin!

Hinawakan ni Ate Sheryll yung kamay ko at akma sana kaming tatakbo kaso huli na. Tinakpan ng mga lalake yung bibig niya gamit yung panyo na may pampatulog. At ako naman, tinulak nila ng malakas kaya tumalsik ako.

Matapos nun, ipinasok nila si Ma'am sa loob ng van at saka umalis. Tumayo ako para habulin yung van kaso sobrang bilis!!

Tumulo yung luha ko. Habang pinagmamasdan ang mabilis na van. Ay! Yung Plate number!!!

Kaluluwa ni CieloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon