Prologue

10.5K 210 20
                                    

September 11, 2011
9:00 pm

"Hayop ka George! Akala ko ba mahal mo ako! Niloko mo ako!"

"Hindi kita niloloko! Mahal kita at alam mo iyan! Lumapit ka dito sa akin baka mahulog ka! Baka nakakalimutan mo? Nasa rooftop tayo ng building!"

"Wala akong pakialam kung mahulog man ako dito!"

"Umayos ka! Huwag mong tangkaing tumalon! Hindi nga kasi kita niloloko! Mahal kita! Yung si Janine, kaibigan ko lang yun at wala kaming relasyon."

"Tandaan mo ang gabing ito George. September 11, 2011. Alas nuebe ng gabi. Isinusumpa ko, hindi ko patatahimikin ang buhay mo at ng mga kaibigan mo."

"Cielo naman. Umayos ka nga!"

"Wala kang kwenta!"


George's P.O.V.

Alas nuebe na ng gabi at ramdam ko ang mga butil ng tubig na dumadampi sa aking balat na galing sa kalangitan. Pati ang galit ng kulog ay siyang bumabasag sa eardrums ng dalawang tenga ko. Isama pa ang kidlat na animo'y gusto akong bulagin dahil sa aking kasalanan.

Galit na galit sa akin si Cielo at parang gusto niya akong patayin sa mga matatalim niyang titig. Kung sa anime lang siguro, umaapoy na ang mga mata niya.

And guess what? Nasa rooftop lang naman kami ng isang ten storey building habang pinipigilan ko siyang tumalon. Isang metro na lang ang layo ko sa kanya at mahahawakan ko na ang braso niya pero hindi ko inasahan ang mga sumunod na nangyari.

"Sh*t!"

Ako si George Thompson. Twenty-one years old. Simple pero mabarkada. Mahilig gumimik at maglakwatsa.Walang oras para sa lovelife hanggang sa nakilala ang dalagang nagngangalang Cielo. Nakakatakot isipin na sa pangyayaring ito magsisimula ang lahat...

Kaluluwa ni CieloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon