Chapter 11: Mga Mensahe

3.7K 74 3
                                    

Chapter 11: Mga Mensahe

     Sheryll's P.O.V.

Kinahiligan ko na ang pagdidilig sa mga halaman sa bakuran namin tuwing hapon. Ginagawa ko ito upang malibang naman ang aking sarili hindi yung nagmumukmok ako sa sulok na mukhang tanga.

Heto ako ngayon, dinidiligan yung mga sunflower plants ko. Masaya na sana ako kaso pumasok sa isip ko yung nakita ko kagabi. Yung multong kamukha ni Clark. Tiningnan ko kaninang umaga yung kwarto namin pero wala namang dugo sa sahig.

Kinilabutan muli ako lalo na nang makarinig ako ng mga yapak ng paa. Lumingon ako sa pinagmulan ng tunog. Sa puno ng santol dalawang metro ang layo mula sa kinatatayuan ko.

Humakbang ako papalapit dito para makita kung sino o ano yun.

Sinilip ko yung likod ng puno kaya nagulat ako dahil sa nakita ko!

Batang nakaupo! Maitim siya. As in black na black yung kulay ng balat niya! Wala rin itong saplot sa katawan. . . Mahaba yung buhok niya.

Hindi na sana ako masyadong matatakot kaso wala siyang mga mata! Pero kahit wala siyang mata, bakas pa rin ang matinding galit sa kanyang mukha.

Ipinikit ko na lang yung mata ko upang hindi na muling makita kung ano man ang nakita ko. Nang biglang,

"Ma'am, bakit po kayo nandiyan?"

Ibinuka ko yung mata ko at humarap sa nagsalita sa likod ko.

"D-Dorothy! Huwag ka namang manggulat. Alam mo naman na buntis ako diba?"

"Ay! oo nga po. Pasensya na ah. Teka, bakit po parang namumutla yata kayo?"

Inikot ko yung paningin ko pero wala na yung bata.

Kaluluwa ni CieloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon